The Hug

9.6K 191 53
                                    

Zeph.

 

 

“Oh, nagulat ka ba Steph? Hindi ka na nagsalita.” I smirked upon her reaction. Hindi lang pala sa kanya dahil nanigas sa kinauupuan itong katabi ko na tila hindi malaman ang gagawin. Kung icocomfort ba ang asawa niya na parang tinakasan na ng dila o papatol sa walang kwentang tanong ko.

“F-fany… H-he is my h-husband---“

 

 

“And he is my asshole boyfriend. Hindi pa naman kami nagbreak kaya ako ang girlfriend at ikaw umeksena lang.” I know that what I said is below the belt but I’m pissed!

How dare she say that Miguel’s her husband kung alam niya nab ago pa man sila ikinasal ay si Miguel na ang boyfriend ko?

Both of them remained in silent. No one dared to talk or even flouted what I said. But of course, I won’t let this stay like this. Tapos na kami ng tarantadong katabi ko simula ng ikinasal sila. Wala akong balak na maging kabit.Hindi ako si Olivia.

Desperada lang akong magkaanak pero hindi ako desperado na makipag-agawan sa iisang lalake. That’s so cheap.

Makalipas ang ilang minute ay wala pa rin nagsasalita sa kanila kaya tumayo na ako at saka inilabas ang alcohol sa bag ko. Marahan akong nagbuhos ng sapat na dami ng alcohol sa aking kamay at saka ipinahid sa aking braso maging sa damit ko. I need to disinfect my body. I don’t want to get infected by his virus na hindi nakuntento sa isa.

I faked a sad sigh and smiled devilishly at them. “Oh, don’t worry my dear sister and ex boyfriend. Wala akong balak magpalahi sayo. A brave woman like me and a complete asshole like you don’t fit together.”

 

 

Nang matapos ako sa pagpapahid ng alcohol sa harap ng nakakunot na mga wild stupid creatures sa harap ko ay ngumiti ako ng pagkalaki-laki.

“Y-you have changed a lot…” Miguel said and that made me smile even more.

“And I wonder whose fault is that.” I laughed and bit my lower lip to stop myself from saying more negative words. It’s enough that I spent few minutes talking with them and making physical contact with these creatures.

“Anyway, I’m going.” Tumalikod ako at nagsimulang maglakad but I stopped and turned around to face them again. “Well, to clear your minds, I didn’t come here because I’m pregnant. I mean, not yet.”

 

 

Tumalikod na ako at hindi na muling lumingon pa. I breathed in and out and blinked my eyes for so many times. I opened my car and got in. Pagkatapos ay isinubsob ko ang mukha ko sa manibela.

Ngayon ako nagsisisi na hindi ako nagpa-drive sa driver ko. Akala ko kasi okay lang dahil malapit lang pero hindi ko inaasahan na sa layo ng bahay nila sa lugar ko ay dito pa nila naisip magpacheck up. Kailangan kong kumalma bago magdrive. Dadaan pa ako sa grocery store sa tabing building.

I grabbed the steering wheel and released all my anger on it. Kaya ko palang gawin iyon. Kaya ko palang gumawa ng ganoong bagay na hindi iniisip ang mararamdan ng iba. I should be proud of myself. I should be.

Pero bakit ganito? Kahit na anong pilit ko na ipakita na matapang ako at hindi iiyak sa harap nila ay sobra pa rin akong nasasaktan? I feel that there’s something that is continuously stabbing my heart seeing them together.

It should be me. Ako dapat ang sinasamahan ni Miguel papunta sa clinic na iyon.

 

 

Ako dapat yung buntis ngayon at inaalalayan niya sa gabi kung may gustong kainin. Ako dapat yung inaabutan niya ng tubig pag nagsusuka sa umaga.

It should be me who he’ll kiss and tell me that I should take care of myself and our baby.

And I should be the one whom he has given his vows in front of the altar. Ako dapat yun. Ako lang.

Naiinis ako. I feel so pathetic that despite the pain that I’ve been through, I still find it too hard to forget my feelings for him.

I always tell myself that love is all in the mind. If I can make myself believe that he’s not worthy to be loved, I will eventually fall out of love.

Pero hanggang ngayon, masakit man isipin pero sobrang mahal ko pa siya. Sobra sobra na hindi ko na makita ang sarili ko na magmahal ng iba. And these damn tears that are coming out from my eyes just mean that I haven’t moved on and I haven’t thrown the love that I have for him.

I cried myself out. Kung hindi ko ito ilalabas baka hindi ko lalo kayanin ang gumising pa sa panibagong araw. Hinampas hampas ko ang manibela at hinayaang dumaloy ang mga luha.

I shouted and cursed them. Ginawa ko ang lahat mailabas ko lang lahat ng sakit, galit, kasama na ang pagmamahal.

Hanggang sa naramdaman ko ang paghigit sa akin at ang pagkakulong sa bisig ng taong hindi ko kailanman inasahan na darating sa puntong yayakapin ako sa ganitong sitwasyon.

 

“Shhhh… Please, don’t cry love.” He said and kissed the top of head and even hugged me tighter.


At kahit hindi ko inaasahan, hindi ko maitatago na hiniling ko na mayakap niya ako ng ganito.


Just like the old times. The time when I was still his life. His love. His world.


“M-miguel…” 


A/N: 

Ayan na po. Hindi ko kayo matiis. Isinigit ko sa schedule ko kahit na 8 hours na diretso ang klase ko at nilalabnat ako.hahahaha.

Maikli lang iyan. Pagtyagaan niyo na.

enjoy reading!

No Love Involved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon