The Sick

7.8K 155 3
                                    

Zeph.

 

 

“Ms. Zeph! Thank God, you’re awake now.” I blinked my eyes for a few times. Umikot ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako at alam ko ng nasa hospital ako. Hindi na ako magtataka kung bakit ako narito pero kung ang malaman na buntis ako ay labis kong ikakasaya iyon.

Pinilit kong bumangon para makaupo and Mike is kind enough to help me. Mike is here, does it mean that he’s here too?

“Ms. Zeph, huwag niyo po munang pilitin ang kumilos baka hindi niyo pa po kaya.” Aniya pero hindi nakatuon sa kanya ang atensyon ko. Nasa may pintuan ang aking mga mata dahil gusto ko siyang makita.

Maya-maya ay napansin din ni Mike na wala sa kanya ang atensyon at sinundan ang direksyon ng aking paningin. I heard him sighed and pulled a chair beside the bed.

“H-he was here awhile back. H-he just needs to do some errands kaya ako ang pinagbantay niya sayo, Ms. Zeph.” He said.

Nagbaba ako ng tingin and I started playing my fingers. “G-ganoon ba?” I asked. I can’t hide the disappointment anymore. I am more than disappointed and I pity myself for expecting him to be here at dumadagdag pa ang naaawang mga mata ni Mike na kahit hindi niya intensyon ipakita ay hindi niya naman magawang maitago.

“Thank you, Mike.” I said sincerely. I looked at him and he smiled but his eyes say the otherwise.

“It’s nothing, Ms. Zeph. This is a part of my job too.”

 

 

Mapait akong ngumiti. He’s not a good liar. “No. Thank you for being here with me, for taking care of me.”

 

 

“It’s okay. I just follow or---“

 

 

“Orders? I don’t think so. You didn’t do this because your boss ordered you to be here.” He got baffled instantly.

“Ms---I mean, of course I also do this because I care for you, Ms Zeph.” Tumayo siya at saka lumapit sa table. Kumuha ng isang mansanas ang nagsimulang balatan ito.

“That’s why I thank you for being a friend to me, Mike. Kung wala ka baka napahamak na ako kanina sa pagkakatumba ko sa gilid ng kalsada.”

Tumigil siya sa pagababalat at nahalata ko agad ang pagkabigla na kalaunan ay napalitan ng awa. Pity, again. Lumayo ako noon at pinilit na magpapakatatag maging sa harap ng mga kaibigan because I don’t want them to look at me with pity on their eyes. But now, hindi rin pala ako makakawala doon.

No Love Involved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon