Patakbo kaming lumusong sa napaka-asul na dagat.

* * *

Enjoy na enjoy kami sa pagsuswimming nang may mapansin akong isang pamilyar na lalaki na naglalakad papunta sa amin. Nakaputing v-neck shirt siya, naka-shorts, slippers, at naka-sunglasses. Fresh na fresh siyang tingnan. Mukhang mabango. Mukhang bagong paligo. Ang gwapo-gwapo niya~

"Charles!"

Napalingon ako dun sa sumigaw. Si ate. Agad siyang umahon ng dagat at patakbong tinungo si Yabang. Oo, si Yabang ang pinagpantasyahan ko kani-kanina lang. Yucks! Pinagpapantasyahan talaga ang term ko? How gross of me.

Nakita kong naghalikan sila at saka masayang nag-uusap.

HIndi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Naramdaman ko na namang pumintig ng malakas ang puso ko at parang uminit ang pisngi ko at parang dumilim ang paningin ko... parang gusto kong manugod ng tao at saka maghamon ng away. Yung ganung feeling.

Eeeh! Ang weird ko! Ilang beses na akong nakakaramdam ng ganito. Hindi ko alam kung bakit. ANG WEIRD.

"Mandy, okay ka lang ba? Bakit parang lumipad yata ang isip mo at naiwan ka?" Klein

"H-ha?" Eh? Ano daw?

"Ang sabi ko, okay ka lang ba?"

Tumango ako. "Oo naman. Bakit?"

"Sure? Ang sama kasi ng tingin mo sa ate mo at kay Charles eh."

"H-ha? H-hindi naman ah." Aish! Nag-iba na pala ang titig ko sa kanila? 

He looked at me na parang sinasabi niyang, Weh? Di nga?

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now