"Good boy your face!" Klein

Nagtawanan kami. Eto talagang dalawang to, ang kukulit!

"Kayo talaga. Punta na nga tayo sa mga cottages natin." Sabi ko.

 * * *

Kumain muna kami dahil sobrang gutom na gutom na gutom na gutom (repeat till fade) na kami. Grabe, ang mahal naman ng mga pagkain dito. Pero okay lang, sobrang sarap naman ng mga pagkain dito at saka libre naman ni Mommy. Hehehe.

Pagkatapos naming kumain, nagkayayaan na kaming magswimming. Buti na rin talaga at hindi masyadong mainit. Perfect na perfect ang weather para lumangoy.

"Goddess! Ako na magpapahid ng sunblock para sayo." Sabi ni Calvin nang makita niya si Trina na akmang magpapahid ng sunblock.

"Ang sweet mo naman! Sige. Eto oh." Binigay niya yung sunblock kay Calvin at saka nagsimula na itong magpahid ng sunblock sa mga braso niya.

"Mandy, gusto mong lagyan din kita ng sunblock?" Tanong naman ni Klein sa akin.

Ningitian ko siya. "May mga kamay ako Klein. No thanks."

Napakamot na lang siya ng ulo. "Baka lang kasi gusto mo. Hehehehe." 

Tumawa ako ng malakas. "Ikaw talaga. Ang hirap maging single no?"

"Tsk. Huwag kang mag-aalala Mandy. Pagkatapos ng bakasyon natin dito, may jowaers na ako. Tandaan mo yan." 

"Aba, lakas ng fighting spirit mo ha! Asahan ko yan." Nagkatawanan lang kami. Sana talaga makakita na ng true love itong si Klein.

"Come on everyone! Let's swim!" Yaya ni Mommy sa aming lahat.

"Okay!!!!" 

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon