Chapter 137

126 3 0
                                    


CHAPTER ONE HUNDRED AND THIRTY-SEVEN

HUNTER

After a hot and steamy kiss ay pinakawalan ko na ang namumulang labi ni Klyzene. Idinikit ko ang noo ko sa kaniya.

Pinanood ko ang pagpikit nito kasabay ng paghababol ng hininga.

Napaka-ganda talaga niya kahit saan tingnan. Ang mahaba niyang pilik-mata, ang may katangusan niyang ilong at ang hugis puso niyang labi. Ang ganda ng mahal ko... na minsan ay natatakot akong isipin na baka hindi ako karapat-dapat para sa kanya. Na baka kulang ako... kaya natatakot at nagseselos ako kapag may kausap siyang iba.

Baka mamalayan ko na lang na nahanap na niya sa iba ang pagkukulang ko. Baka magising na lang ako wala na siya sa tabi ko. But hearing her giving me an assurance—nawala lahat ng takot ko dahil alam kong may nararamdaman din siya sa'kin. Hindi pa niya maamin pero ramdam ko.

Ngumiti ako.

Pinagdikit ko ang ilong namin at kiniskis 'yon. Nose to nose.

Napatitig ako sa mata ni Klyzene nang unti-unti itong magbukas. Nagtama ang mga mata namin. Ang daming emosyon ang nakikita ko sa mata nito, masaya, nahihiya, kinikilig. Napatalon ako sa isip ko. Malaking improvement na ang kinikilig sa'kin ang babae.

Ilang minuto naming sinulit ang sandaling 'yon bago ako ang kusang humiwalay sa kanya. Nakaramdam ako ng lamig nang maglayo kaming dalawa. Hinawakan ko siya sa bewang at inalalayang bumaba. Pinagpagan ni Zene ang suot nito pagkatapos.

Nakakapanibago ang suot nitong dress. Paano kasi ay kulay beige ito na binagayan naman ng kutis nito dahil napapalabas no'n ang pagiging maputi ng babae. Pagkatapos ay light lang rin ang make up nito. Walang itim na parang ano sa mata.

I'm glad that she's slowly walking out of her comfort zone. Seeing her being proud and loving herself will give me such joy. Comparing her to her old self, she's much better now. I cannot see the insecure and lonely girl before. I only see a strong woman who's ready to face the world.

"Wait—what is that?!" nagtataka na may pagkagulantang nitong tanong.

Napabalik ako sa reyalidad. Nakita ko siyang nakatayo sa may gilid ng picnic blanket na inilatag ko. Nadismaya ako sa sarili ko. Dapat ay tatapusin ko muna kasi ito bago ko ipakita sa kanya para naka-ready na lahat pero naunahan niya ako. Nilapitan ko siya at niyakap sa likod. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya.

"We're going to have a dinner under the starry sky," I replied.

"B-but—"

"I already set everything," sagot ko. Humiwalay ako sa kanya at binuksan ang trunk ng kotse. Inilabas ko ang isang thermal bag na may lamang pagkain.

Hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin si Zene habang inilalabas ko ang mga kakainin namin. Tumawa ito saka ako nilapitan para tulungan.

"Hindi ka pa handa sa lagay na 'to, ha," mapanuksong anito.

Tumaas ang isang sulok ng labi ko. "Nagmamadali kasi ako. Dapat talaga ako ang magluluto ng ibang pagkain pero hindi na kinaya kaya nag-order na lang ako," pagpapaliwanag ko. Naglakad kami pabalik sa may matt.

Umupo ako sa gilid at inilabas ko ang mga pagkain sa thermal bag. Gumaya naman si Zene, nga lang ang inaayos nito ay yung binili namin sa fast food kanina. Inilabas ko ang four season, menudo, inihaw na tilapia at relyenong bangus. Taga-Hagonoy ang binilhan ko ng mga ito kaya makakasiguradong sariwa ang tilapia at bangus. May kanin na ring kasama para hindi kami mabitin.

Ang binili ni Zene kanina sa fasfood ay isang bucket na chicken with half spicy, may spaghetti na rin. Hindi na gaanong bumili si Zene para dahil meron pa kaming chips sa sasakyan.

The Green Eye DevilWhere stories live. Discover now