Chapter 71

225 9 0
                                    


CHAPTER SEVENTY-ONE

HUNTER'S P.O.V.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin. Simula ng umalis si Klyzene sa condo ko ay pakiramdam ko nawalan ng kulay ang mundo ko. Sobrang galit ako sa sarili ko dahil sa katarantaduhang ginawa ko sa kanya. Nakatitig ako sa cookies na binake niya para sa'kin na tinapon ko lang.

Hindi ko magawang kainin dahil naalala ko si Klyzenen dito.

Hanggang ngayon naka-marka sa isipan ko ang mukha niyang nasasaktan.

Nag-aalala ako sa kanya. Walang may alam kung nasaan siya. Miski si Jake ay hindi niya kinaki-usap. Nag-aalala na rin sila.

Binaba ko sa lamesa ang hawak kong beer at kinuha ang cellphone ko. I dialed Klyzene's number once again but she's not answering. Humigpit ang pagkakahawak ko sa telepono at galit na hinagis 'to sa pader dahilan ng pagkasira nito.

"FUCK IT!!!"

Ikinuyom ko ang kamao ko bago patakbong lumabas ng unit ko. Sumakay ako ng elevator. Bumaba ako sa basement kung nasa'n ang kotse ko. Sumakay ako sa loob at pinaharurot paalis ang kotse. Nagpunta ako sa University kung saan nag-aaral si Klyzene.

I need to talk to her. I need to explain and say sorry to her.

Hindi ako mapapakali hanggang sa hindi ko siya nakaka-usap. Gusto kong bumalik pa rin sa dati ang lahat sa'min. Pwede siyang bumalik sa bahay ko at do'n tumuloy dahil ayoko siyang nakikitulog sa kung kani-kanino. Baka mamaya ay may mangyaring masama sa kanya.

Nagpapasalamat na ako dahil nakarating ako sa destinasyon ko ng hindi nadidisgrasya kahit nahihilo ako.

Bumaba ako sa sasakyan ko at nagpunta sa classroom nila Klyzene. Ang mga estudyante ay pinagtitinginan ako, ang iba ay nagbubulong-bulungan habang nakatingin sa'kin. Nang nasa tapat na ako ng classroom nila ay sumilip ako sa loob.

Tumaas ang kilay ko ng makita si Klyzia na naka-upo sa dulo ng classroom. Hinanap ng mga mata ko si Klyzene pero wala siya. Where the fuck is she?!

Nagtama ang mga mata namin ni Klyzia, nginitian niya ako ng malapad saka tumayo ang dalaga saka ako nilapitan.

"What are you doing here?!" excited na tanong ni Zia sa'kin.

"I'm finding Klyzene! Did you see her?!"

Umawang ang labi nito. "Yeah! Pumasok siya kahapon pero ngayon hindi ko pa siya nakikita. Sa tingin ko hindi siya papasok ngayon."

"Why?! May sakit ba siya? Saan siya tumutuloy ngayon?!"

"Ewan ko. Nakakapagtaka nga dahil binigyan siya ng cookies ni Abby pero hindi niya tinanggap. Tapos nung hapon hindi rin siya pumasok," pagpapaliwanag niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nadagdagan ang guilt na naramdaman ko dahil sa sinabi nitong hindi tinanggap ni Klyzene ang cookies na ibinigay ni Abby kahit hindi ko kilala si Abby.

"You have her number?" I asked her with pleading voice.

She shook her head, "I'm sorry but I don't have. I cannot contact her anymore. She change her number eh."

I saw sadness in her eyes while talking about her twin sister. And suddenly I remember Klyzene eyes before. It's always sad and empty.

"O-okay... if you hear where she lived or who's with her... call me! Okay?! Call me!" pagkasabi ko no'n ay mabilis akong lumakad palayo sa kanya at sa lugar na 'yon.

The Green Eye DevilWhere stories live. Discover now