Chapter 88

278 4 0
                                    


CHAPTER EIGHTY-EIGHT

BUMIBIYAHE na kami pauwi ni Kuya. Dumidilim na ang langit tanda na patapos na ang araw at papaumpisa na ang gabi. Nakabukas ang bintana ng kotse, nakalabas ang kamay ko at dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Isinandal ko ang ulo ko sa braso ko at tumingin sa labas.

Inis na inis ako kanina kay Kuya dahil ang tagal nitong dumating kaya nagkaroon ng pagkakataon si Carl para mas lalo akong inisin at kulitin. Kung ano-ano ang mga tinanong nito sa'kin na hindi ko naman sinasagot. Maroong guguluhin ang buhok ko. Aalisin ang pagkakatali ng buhok ko. Pagbunggo sa paa ko at kung ano-anong pagpapansin ang ginawa. Nakakainis.

"That is so deep," wika ni Kuya na kinalingon ko sa kanya.

"H-huh?"

He smile, "I said it's so deep. What are you thinking?" tanong niya sa'kin habang pinagpapalit-palit ang tingin sa kalsada at sa'kin.

I frowned, "nothing," tipid kong sagot.

"Really?" natatawang tanong nito.

"Why are you laughing?" naguguluhan kong tanong dito saka umupo. He bite his lower lip.

"Nothing."

I face palmed. I think I already know why he is laughing. I throw him the empty bottle of water. I rolled my eyes at him.

"Stop! It's not funny anymore!" naiinis kong asik sa kanya.

"What?! I'm not saying anything!"

"But your face saying it all!"

"You know what? Carl is a good catc—"

Before he finished his sentence ay kinurot ko na siya sa bewang niya pero tinawanan lang niya ako. Nung dumating kasi kanina si Kuya ay kinukulit ako ni Carl, pagkatapos ay may kakaibang ngisi na siya simula no'n. Mga nang-aasar.

Imbis na mainis si Kuya sa ginawa ko ay mas lumakas pa ang tawa nito kaya mas lalo akong nainis. Hindi na ako umimik pa para pigilan ang sarili kong makapagsalita ng masama. Sumandal ako sa upuan ko at inilahad ang kamay sa bintana.

"Are you happy?" tanong ni Kuya makalipas ang mahabang oras.

"Hmm?" Tumingin ako sa langit.

"Are you happy with us?"

Napahinga ako ng malalim. "I didn't know shopping will make me happy," pag-uumpisa ko. "This is new to me... I mean... living outside the Philippines. Living with the people who I don't merely know, surrounding myself with new people... scary but also exciting,"

"You know that you're safe with us right?"

"I know..." malungkot akong napangiti. "Pero hindi mo rin naman mapapagkatiwalaan ang salitang 'yon... minsan, kung sino pa 'yung pinagkakatiwalaan mo sila pa pala ang wawalanghiya sa'yo," malungkot kong wika.

He frowned. "What are you saying?" nagtatakang tanong nito.

Inilingan ko ang lalaki bago muling tumingin sa labas ng bintana. Kaya ko nga tinagalog para hindi niya maintindihan eh. Pumikit ako at dinamang muli ang hanging galling sa bintana. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

****

NAGISING ako dahil sa pag-alog ng sasakyan namin. Umayos ako ng upo at tumingin sa labas ng bintana. Do'n ko nakita ang bahay. Naka-uwi na pala kami. Pinunasan ko ang bibig ko bago kinuha ang mga gamit ko at binuksan ang pintuan sa gawi ko.

The Green Eye DevilWhere stories live. Discover now