Chapter 98

207 6 0
                                    


CHAPTER NINETY-EIGHT

PAGKATAPOS naming mangabayo ni Abuela ay bumalik na kami sa loob ng bahay. Ayaw ko pa sanang iwan ang kabayong pinangalanan kong Night dahil sa kulay ng kanyang balahibo. Nasa ikalawang palapag na kami ng bahay.

"Madaming kwartong hindi ginagamit dito kaya ipapakita ko na lang sa'yo ang mga ginagamit. Dito sa east wing ng kabahayan ay nandito ang silid ng Ama mo, ang ibang pintong nakikita mo ay pintuan na ng mga guestrooms," anito.

Tumango ako. Sunod kaming nagpunta sa may west wing ng kabahayan kung nasaan nasaan naman ang kwarto nila Kuya Nat at Kuya Ivan. At sa north west naman ay ang kwarto ni Abuela, nasa south wing ang akin.

Nagpunta kami sa music room. Mayroong malaking piano sa gitna ng silid, sa mga gilid naman ay may drums, different kind of guitar, saxophone, and other musical instrument. Pumasok ako sa loob.

"Mahilig k aba sa music, hija?" tanong nito sa'kin.

"Yes but... I don't know how to use other instrument," nakangiting sagot ko sa kanya. Lumapit ako sa malaking piano saka umupo sa harapan no'n.

"You will know it soon, neita, don't lose hope."

Pang-ch-cheer up niya sa'kin. Ngumiti lang ako bago lumapit sa may bintana. Kita mula dito ang likod bahay. Ang ganda tingnan. Puro green ang makikita sa labas, alagang-alaga ang buong lugar.

"Gaano na kayo katagal nakatira dito?" hindi ko maiwasang itanong.

Naramdaman ko ang pagkilos ni Abuela sa likuran ko.

"Matagal-tagal na rin. Dito ako ipinanganak at dito na din ako mamatay," masiglang sagot nito na kinatigil ko.

Marahas akong lumingon sa kanya. "Abuela! Huwag kang mag-salita ng ganiyan!"

Tumawa siya ng mahina, "nieta, totoo naman. Mamatay rin ako balang araw at kapag dumating na ang panahong 'yon. Gusto kong manirahan ang isa sa inyong tatlo dito sa Spain dahil ayokong maiwang malungkot ang bahay na 'to," naghahabiling wika niya.

Umiling ako sa kanya. Nakakatakot isipin ang katotohanan pero tama siya. Mawawala rin kaming lahat sa mundo. Pero hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang iwan ni Abuela. Ngayon pa lang kami nagkakakilala.

Lumapit ako sa matanda at niyakap siya.

"Abuela, kung maari ay huwag ka pong magsalita ng ganiyan dahil hindi ko nagugustuhan. Ayoko pang isiping iiwanan niyo kami. Matagal pa 'yon at hindi dapat hinihintay. Ngayon pa lang kita nakikilala."

Hinawakan ni Abuela ang braso kong nakapalibot sa bewang niya. She tapped it before hugging me back. Hindi na ako nagsalita pagkatapos no'n. sinulit namin ang oras na meron kami.

****

HINDI na namin nalibot ang buong bahay dahil ginusto ni Abuelang siya ang magluto ng pagkain namin mamayang gabi. Ako ay naiwan sa loob ng music room pero bumalik na rin ako sa kwarto ko. Tulog pa rin sila Kuya ng maabutan ko kaya napagpasyahan kong humiga sa gitna nilang dalawa.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-online sa Instagram, tulad ng dati ay madaming notifications, 'yung iba ay nagpapa-accept upang mai-follow ako. Ginawa ko kasing private ang account ko.

Binuksan ko ang camera at kumuha ng madaming pictures. Pinicture-an ko na din sina kuya, iilan lang ang epic dahil kahit saan namang banda tingnan ay gwapo ang dalawang lalaki. Nag-post muna ako ng picture ng kisame kung saan kita ang chandelier.

The Green Eye DevilWhere stories live. Discover now