Chapter 67

269 5 0
                                    


CHAPTER SIXTY-SEVEN

PALAPIT ng palapit ang gunting sa may pulso ko at wala akong ininaaty hanggang sa maramdaman ang sakit ng na manggagaling sa sugat ko. Malapit ko ng ibaon sa balat ko ang kutsilyo.

"What are you doing?!"

Nabitawan ko ang hawak kong gunting at mabilis na lumingon. Nakataas ang kilay ni Sir Nat habang nakatingin sa'kin. Ako naman ay nanlalaki ang mata habang natatakot na nakatingin dito.

Bumaba ang tingin niya sa gilid ko. Sinundan ko ng tingin ang mata nito at bumaba 'yon sa tabi ko. Sa mismong gunting siya nakatingin. Nag-angat ulit ako ng tingin at sinalubong ang mata nito.

"I-I want to eat," kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Really? Anong gusto mong kainin?" tanong niya na may halong pag-tataka. Lumakad siya palapit sa'kin.

Tinuro ko ang isang supot ng prutas sa may gilid. Kinuha naman nito 'yon at inabot ang gunting para buksan ang plastic. Hindi ko maalis ang tingin ko sa gunting. Ipinakita niya sa'kin ang laman ng prutas.

"What do you want?"

"I want apples."

"Apples then." Kumuha siya ng dalawang apples. "Huhugasan ko lang." Tinalikuran niya ako at naglakad na siya papuntang kusina. Umupo ako ulit sa gilid ng kama ko. I'm starting to feel guilty about what I was going to do a while ago.

I will cut myself to bleed.

Ilang sandali lang ay bumalik na si Sir Nat na dala ang apples ko. Ngumiti siya sa'kin.

"Apples lang ba ang gusto mo?" tanong niya habang hinihiwa ang isang mansanas.

"Yes."

Inabutan niya ako ng ilang pirasong apple na kinain ko naman. Gano'n lang ang ginagawa niya sa'kin. Umupo si Sir Nat sa upuan katabi ng kama ko. Inaabutan niya ako ng isa pa at isa pa hanggang sa maubos ang apples.

Mahabang kahahimikan ang namayani sa'min bago ako lumingon sa kanya.

"Don't you have class?" tanong ko.

Nilingon niya ako at nginisihan. "I have but Ivan needs someone here that's why I'm here," aniya.

"Hmm... this really feels like déjà vu," natatawang wika ko.

"Yes, it is."

"Thank you for being here." Bumuntonghininga ako. "I was... scared. Really scared. I have no one with me."

"You have me and Ivan, you also have Uncle. Don't think that you're alone." Marahan niyang wika.

"Really?"

"Yes. You have your family now," seryosong sabi niya.

Kumunot ang noo ko dahil do'n. Ewan ko kung bakit pero parang may ibang ibig sabihin ang lalaking 'to. Nginitian ko lang siya at humiga na ulit pabalik sa kama ko. Nag-uumpisa na naman akong mag-overthink dahil sa sinabi nito.

KINABUKASAN ay hinayaan na akong makalabas ng doctor. He advice to me to rest. Nasa kotse na kami papunta sa condo unit nila Sir Ivan. Sir Nat is the one who's driving and Sir Ivan is in the passenger seat and I'm in the back seat.

Nakatingin ako sa may labas ng bintana. Masikip ang trapiko sa kalsada kaya nakahinto kami, may mga batang nagtatakbuhan sa may gilid namin at sa mga nakahintong kotse. Ang sasaya lang nila tingnan, parang walang iniisip at iniintindi.

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon