Chapter 83

221 7 0
                                    

CHAPTER EIGHTY-THREE

KUMAKAIN kami ng burger galing sa isang fast food habang umaandar ang kotse papunta sa school. Si Kuya Ivan naman ngayon ang nagmamaneho dahil kumakain si Kuya Nat. Kinuha ko ang isang coke at sumipsip do'n.

"When they asked you our relationship, just ignored them. I will talk to them privately," ani Kuya Nat.

Tinanguan ko siya saka kumagat sa isang fries bago uminom ng coke.

"Will they think she have a romantic relationship with us?" tanong ni Kuya Ivan.

"Yea, you know people. They will think whatever they want to think."

"Hmm."

Nang makarating kami sa school ay tumingin muna ako sa labas. May mga students na nakatingin sa kotseng sinasakyan namin at dahil na rin tinted ay hindi nila makita kung sino-sino kaming sakay ng kotse.

"Lalabas lang ba ako?" tanong ko sa kanila habang nakatingin pa rin sa labas.

"U-huh... ayaw mo ba?" ani Kuya Nat.

Masama kong tiningnan ang lalaki bago padabog na kinuha ang bag ko. Isinukbit ko 'yon sa likuran ko pagkatapos ay binuksan ko ang pinto sa gawing kaliwa ko. Bumaba ako at taas noong nilagpasan ang mga classmate kong naka-awang ang bibig, mga gulat sa paglabas ko do'n.

Sumunod sa'kin ang dalawa kong Kuya na nakasuot pa pareho ng shades. I shook my head before walking towards the Dean's office.

Habang nasa hallway ay pinagtitinginan kaming tatlo. Paano ba naman, mukha silang bodyguard sa mga ayos nila. Naka-shades pa. Tapos nasa magkabilang gilid ko ang dalawang lalaki na mukhang natutuwa sa nakukuhang atensyon.

Nang nasa harapan na kami ng Dean's office ay nanguna si Kuya Nat. Hindi man lang ito kumatok at basta na lang pinihit ang doorknob. Kasabay ng pagbukas ng pinto at pag-aangat ng tingin ng Dean. May binabasa 'to sa mesa at nakasuot ng makapal na salamin.

"Mr. Guevarra, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Dean.

Pumasok kaming tatlo dahilan ng pagbaha ng pagtataka sa mukha ng Ginang. Tumingin 'to kay Kuya Ivan na ngayon ay inaalis ang shades. Si Kuya Nat naman ay diretsong naglakad papunta sa harapan ng table ng Dean. Huminto 'to.

"Well, Ms. Anderson will leave the country and she will get ready for college in New York. I will excuse her for this grading. She cannot come in their graduation too," ani Kuya Nat.

Kumunot ang noo ng Dean, "why? Is there any valid reason Ms. Anderson? Alam mong hindi pwede—"

"Is it a yes or no? If no, she will attend special class or take online class from New York," supladong pagpuputol ni Kuya Ivan dito.

Napalunok naman ang dean saka tumango.

"Yes then. Okay. Where is the paper she need to sign?" nagmamadaling tanong pa nito.

Lumapit si Kuya Nat sa table ng Dean at may kinuhang kung ano do'n. Kumuha na rin 'to ng ballpen at may sinulat sa papel. Inabot niya kay Kuya Ivan 'yon.

"Sign this," utos sa'kin ni Kuya at inabot sa'kin ang papel.

Kinuha ko 'yon at binasa muna. Malay ko ba kung anong papapirmahan nila sa'kin. Nang mabasang patungkol lang 'to sa excuse letter ko kung bakit hindi na ako makakapasok ng last quarter at hindi na rin ako makaka-attend sa graduation namin.

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon