Chapter 84

218 5 0
                                    


CHAPTER EIGHTY-FOUR

NAABUTAN kami ni Kuya Ivan na magkayakap ni Uncle sa may kusina kaya nakisali ito. Pagkatapos naming mag-group hug ay kumain kami ng hapunan namin. Kami ni Kuya ang naghugas ng plato, dahil naranasan ko ring maging dishwasher sa café ay marunong na ako. Hindi na tulad noong dumudulas sa kamay ko ang plato.

And today is the day.

Today is our scheduled flight to New York, and I am here standing behind my Uncle and holding my backpack while Kuya is on our back he's holding his and my luggage. Pagkatapat namin sa may guard ay tinanguan lang ito ni Uncle bago kami pinapasok ng hindi kinakapkapan.

Habang naglalakad sa loob ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Lumingon ako sa may exit saka tumingin sa kabilang entrance ng airport. I don't know but... something's heavy in my chest.

Huminto kami sa may waiting area. Inalis ko ang pagkakasuot ng earphones sa tenga ko saka nagtatakang tumingin kay Kuya.

"Why do we stop?" tanong ko.

Ngumiti ng maliit sa'kin si Kuya. "I forgot something in the car. I'll go back. Wait me here," anito at mabilis na tumalikod paalis. Naiwan kami ni Uncle dito.

Nilingon ko siya at nakitang nakatingin siya sa papalayong bulto ni Kuya. Umupo muna ako sa upuan sandali at kinuha ang cellphone ko sa bag. Binuhay ko 'to at biglang dinagsa ng text messages ito at madaming missed call. Dahil sa ingay ay inilagay ko sa silent mode ang phone ko.

Nang matapos 'yon ay binuksan ko ang messages ko. Karamihan sa mga 'yon ay galing kay Zia, 'yung iba ay galing kay Hunter. Huminga ako ng malalim at papatayin na sana ang tawag ng biglang lumitaw sa screen ang pangalan at larawan ni Zia.

Tumatawag ang dalaga. Gustuhin ko mang huwag sagutin ay may pumipigil sa'kin, hindi ko alam kung guilt... lungkot... o galit. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Sa huli ay sinagot ko rin ang tawag.

"Hell—"

"Don't leave please!" umiiyak na pambungad sa'kin ni Zia.

Sandali akong natigilan do'n, dumaan ang lungkot sa Sistema ko. That's why I have this weird feeling, huh.

"Klyzi—"

"Please B-Black... d-don't leave! I'm-I'm near... p-please. Huwag mo kong iwan," umiiyak pa niyang pahayag.

Napalunok ako.

"I-I can't stay either, Blue..." mahinang pagsagot ko sa kanya. Lumingon sa'kin si Uncle, nagtatanong ang mga mata niya. I mouthed 'my sister' and he just nod.

"Y-you're the only one I have right now, Black... m-mom and d-dad are always fighting since Laws came here. I don't know what to do anymore!"

Napalunok ako.

"I-I can't stay, Blue..."

"But why?!"

"Because I need to heal!" hindi ko napigilan ang paglakas ng boses ko. Alertong napalingon sa'kin si Uncle pati na rin ang ibang mga naka-upo rin sa waiting area. Tumayo ako at naglakad paalis. Nagtuloy ako sa CR ng Airport.

"Y-you promise me..." pagpapatuloy nito.

I locked the bathroom door and leaned on the door. "I do... but you promise me too, Blue. We promised that we will never lie with each other. We will always be honest... but you lied to me. You all lied to me!" madiin ang pagkakasabi ko sa huling salita.

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon