Chapter Eight

371 10 0
                                    


CHAPTER EIGHT

PAGKA-UWI namin sa bahay ay parang wala ng nangyari. Umakyat ako sa kwarto ko at nagtuloy sa banyo. Inalis ko rin ang contact lens ko.

Naghilamos ako ng mabuti at nag-tooth brush na rin. Nang matapos lahat ng night rituals ko, naglakad na ako palabas ng banyo at nagpalit ng damit. Inilagay ko ang marumi kong damit sa laundry basket at nagpunta na sa kama ko. Humiga ako at mabilis lang ding nakatulog dahil sa sama ng pakiramdam at pagod.

Nagising nalang ako kinabukasan na bukas na ang bintana sa kwarto ko. Napapailing ako dahil si Blue lang naman ang nakakagawa non sa'kin. Mabilis akong tumayo. Inayos ko ang kama ko at naglakad papuntang banyo,. Ginawa ko na ang morning rituals ko at nagsuot ng uniform ko pagkatapos.

Lumabas ako ng kwarto ko at pinabayaan na ang buhok ko na tumutulo pa rin dahil basa. Yes, hindi ako nasanay nab li-no-blower siya after kong maligo.

Bumaba ako ng hagdan at nakasalubong ko pa si Blue na paakyat. She smiled at me.

"Good morning." Bati niya sabay kapit sa balikat ko.

Ngumiti ako sa kanya. "Good morning." Ani ko at sabay kaming bumaba ng hagdan. Nagtuloy kami sa kitchen.

"Kumusta ang tulog mo? Masakit pa rin head mo?" tanong niya na may halong pag-aalala sa boses.

Ngumiti ako ng maliit sa kanya. "Nope, I'm okay. You? How's your sleep?" tanong ko dito.

Ngumiti lang siya ng malawak and she giggled. Tumaas ang kilay ko at bahagyang lumayo sa kanya.

"Why did you giggle?" di ko maiwasang itanong.

She bite her lips and she lean to whisper.

"I dream of him last night." She said while there's a thrilled in her voice and she's stopping herself from 'kilig'.

Napatango ako. I know him. Ever since. He's the long time crush of Blue and I don't know why him. He's an asshole.

"We will kiss na sana kaya lang ginising ako ng alarm clock ko. Kaya ayun. Di natuloy." Malungkot na sabi nito.

Napailing ako sa kanya. "Kissing hm..." nagapatiuna ako sa paglalakad papunta sa kusina. Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kitchen ay nakita ko pang nag-tatalo sina mommy and Dad but I can't hear them.

Huminto si Blue sa tapat ko ng mapansin niyang hindi ako kumikilos. Tumingin muna ito sa'kin bago humarap kina Mom. Nakita niya ring nag-aaway ang dalawa pero hindi rin nagsalita.

Pinapanood lang naming sila habang nagtatalo ng mahina. Makikita sa mga mata nila ang naiinis at ang disappointment sa isa't isa.

In seventeen years of my existence, ngayon ko lang sila nakitang nagkaroon ng ganitong pagtatalo. My twin held my hands and she hold it tight. I do the same and cough to get their attention.

They stopped and slowly looking at us. Nanlaki pa ang mata ni Mommy ng makita kami. Si Dad naman ay mas naging seryoso ang mukha.

"Ahmm... kanina pa ba kayo nandito?" tanong ni Mommy habang naglalakad palapit sa mesa.

Nagkatinginan kami ni Blue bago naglakad papunta sa mesa. Umupo kami sa mga upuan naming at si Blue ay pilit na ngumiti.

"Good morning!" masigla pa rin nitong bati kahit na ramdam ang kakaibang awkwardness sa hangin.

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon