Chapter Fourteen

350 5 0
                                    

sorry for slow and super late UD's HAHAHAHA. 

Enjoy Reading!

CHAPTER FOURTEEN

PINAKIRAMDAMAN ko ang lugar kung saan daw nakakulong ang anak ng Kliyente ko ngayon. Nakatingin sa'kin si PJ, may hawak ng baril na may silencer. Ayaw naming gumawa ng kung ano mang ingay dahil mabubulilyaso ang trabaho.

May iba pa kaming mga kasamahan na nasa likod ng building pero kami ang nandito sa harap.

"Bossing, bakit ba sa gabi lagi ginagawa ang mga trabaho natin? Hindi ba pwedeng sa araw naman?" tanong niya habang nagsisindi ng sigarilyo.

"Mayroon namang ginagawa sa araw ha? Kung gusto mo magpalipat ka ng shift." Malamig kong sabi at nauna ng pumasok sa loob.

May iilang mga bantay na nasa itaas ng warehouse at may ibang naglalaro ng baraha. Napatigil ako sa likod ng mga nagpapatong-patong na mga kahon.

Nilagyan ko na ng silences ang baril ko at ang bala ay pampatulog dahil ang kamatayan ay masyadong madali sa kanila. Dapat nilang pagdusahan ang kagaguhan nila sa buhay. Sumilip ako sa gilid at tinutok ang hawak kong baril sa nakatalikod samin. Pero bago ko pa man maiputok ay may nauna na sa akin.

Gumanti ng putok si PJ, pinalitan ko ang baril na gamit ko at gumanti rin. Natamaan sa katawan ang binaril ko at napahandusay sa lapag.

Naalarma ang kaninang mga nag iinuman at naglalaro ng baraha. Miski sila ay nagulat kaya naman nagpaputok na rin.

Hinawakan ko ang ear piece sa tenga ko at nagsalita.

"Men. Go inside now! Halughugin ang lahat ng kwarto at ang buong building kaylangang maiuwi ang target. Understood?!" ani ko

"YES SIR!!" sunod sunod nilang sabi. Inalis ko na ang kamay ko sa ear phone at saka tiningnan si PJ na pagod na rin.

"Huwag mong sabihing pagod ka na?" malokong tanong ko at binaril ang nasa harapan ni PJ na magtatangkang bumaril dito.

Nagback-to-back kami. Binabaril ang nasa harap namin para maprotektahan ang isa't isa.

Nang tapos na ang lahat ng kalaban sa gawing iyon ay sabay kaming tumakbo papunta sa kanan at sinipa ang mga pinto ng kwarto roon. Baka kasi nandoon ang taong hinahanap namin.

"SINO KAYO?!" sigaw mula sa likod namin.

Dahil sa inis ay binaril ko sa ulo ang gagong yon at galit na pinagbabaril ang nakalock na pinto ng silid kung saan ako nakatapat. Pumasok ako don at inilibot ang tingin ko sa buong lugar. Walang tao pero may mga pinaggamitan don.

"Mukhang nandito sila kanina." Malamig kong sabi at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko si PJ sa labas.

"Wala sila sa loob bossing?" tanong niya. umiling ako at pinindot ang ear piece sa tenga ko.

"Pack two, nakita niyo na ba ang target?" tanong ko. Tumingin ako kay PJ. "Maghiwalay na muna tayo. Ikaw dito sa ibaba at pupuntahan ko yung iba sa taas." Ani ko at tinakbo ang daan. Pumanik ako sa 2nd floor at nakita roon ang kumpulan ng mga tauhan ko.

Lumapit ako sa kanila. May kung anong tinitingnan kaya naman sinundan ko ng tingin.

Napakuyom ako ng kamao. Ang iba sa kanila ay masuka-suka na at ang iba naman ay nanghihina't nagagalit sa mga taong gumawa ng ganito. Putl putol na katawan ng tao ang nasa silid na pinagkukumpulan nila. Umaamoy na rin.

The Green Eye DevilOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz