Chapter 55

234 6 0
                                    

CHAPTER FIFTY-FIVE

"HOW are you?! Where have you been?! What happened?!" sunod sunod niyang tanong sa'kin.

Inilapit ko sa kanya ang cookies para sana bigyan siya pero hindi man lang niya pinansin 'yon, nakatuon ang atensyon ng binata sa mukha ko. Tiningnan ko siya sa mukha, ngayon ko lang napansin ang mga itim sa ilalim ng mga mata niya. Maputla rin ito.

"Hello to you too," sarcastic kong sabi at kumagat sa cookies ko, tiningnan ko siya at ngumisi. "I'm good, how about you?" tanong ko.

Naningkit ang mga mata nito pero nawala rin naman agad. Napabuntonghininga ang binata sa'kin saka napahilamos sa mukha. Namamangha 'tong tumingin sa'kin.

"You... are really different from other girls, Klyzene Black. You're the only person who can make me feel like this, mixed emotions. You make me worried, scared, happy, relief and I don't know anymore. What have you done to me?" marahan niyang tanong sa'kin.

Napatawa naman ako sa sinabi niya at umayos ng upo. Ngumisi ako sa kanya.

"Maybe, they are right I'm a devil. The green eye devil," natatawang sabi ko saka inubos ang hawak kong cookie. Uminom ako ng tubig bago nagsalita. "Well, something happened in our house that I cannot tell you. Its kind a private thing for a family. But don't worry, I'm fine. Someone is taking care of me," pangunguna ko na dito.

"You can tell me anything. I won't spill any tea," ani pa nito.

"Order. It's my treat," pag-iiba ko ng usapan namin. Tinaas ko kamay ko para tawagin ang waiter na tumalima naman at lumapit sa 'min.

"Yes, ma'am?" ani Waiter.

Tinuro ko si Sir Ivan. "Ask him anything he wants, I will pay for it," sabi ko na ikitango naman ng waiter.

Nag-order naman si Sir Ivan ng kape, 'yun lang. Wala na. Kape lang. Mabuti nga't kape lang ang in-order, remember they freeze your account you don't have money anymore. Asik ko sa sarili ko.

Totoo 'yon. Kanina ay sinubukan kong mag-widraw ng pera pero sinasabing na-freeze ang account ko. Alam kong parents ko ang may gawa no'n, nakakatawa, mukhang naninigurado na silang hindi ako magwawaldas ng pera nila.

Ang mayroon na lang ako dito ay 'yung cash na nakuha ko before the accident. Wala na bukod ro'n. That's why I need to have a work. I need to live in my own now.

"Hey..." pukaw ni Sir Ivan sa atensyon ko.

Tumingin ako sa kanya. "Why?"

"You look sad. What's really happened, Klyzene? Did you parents throw you out of your house?" seryosong tanong niya.

Umiling ako. "Nope. I left."

"Why?"

"Because I want to—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita kong nalungkot ang hitsura nito dahil sa mga sagot ko. Na-guilty naman ako dahil sa inaasal ko. Kaylan ka pa nagkaroon ng pake sa sasabihin ng iba sa asal mo? You're only responsible for what you're saying but not what they understand.

"I left because I can't take it anymore. It will only cause me pain if I stay there. They... all lied to me. Even... my twin sister," mahina kong sabi at ngumiti ng malungkot sa kanya.

Nakita ko ang pagdaan ng sandaling galit sa mga mata niya bago tumayo. Ang akala ko ay aalis siya pero hindi. Lumapit lang pala siya sa'kin at niyakap ako na kina-awang ng labi ko. Hindi makapaniwalang lumingon ako dito.

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon