Chapter Eight-One

226 7 0
                                    


Hi! Nasa Chapter 81 na us! HAHAHAHA, medj malapi-lapit na siyang matapos... i think? AHAHAHAH, di pa sure eh! pero enjoy reading! keep safe!


CHAPTER EIGHTY-ONE

HABANG naglalakad ako papunta sa isang malapit na fast food ay may sasakyang biglang tumigil sa harapan ko kaya ako napa-atras. Nainis ako sa nagmamaneho ng sasakyan dahil muntikan na niya akong masagasaan. Paano na lang kung hindi kaagad ako naka-atras?

Nawala ang inis ko ng mamukaan ko ang kotseng muntikan ng sumagasa sa'kin. Lumapit ako sa kotse ni Blue at kinatok ang bintana ng driver seat. Bumukas naman 'yon at sumalubong sa'kin ang nag-aalalang mukha ni Klyzia.

"Get in the car! Now!" malakas at nag-mamadaling utos niya sa'kin. Mukha itong aligagang-aligaga.

I frowned while looking at her. "Why? What happened?" hindi ko maiwasang mag-alala.

Umatras ako ng bumukas ang kotse nito at nagmamadaling lumabas lumabas si Klyzia. Hinawakan niya ako sa braso ko sabay hila papunta sa may passenger pero huminto ako at binawi ang braso ko. Nanlalaki ang mga mata nitong lumingon sa'kin.

"Why you stopped?! Kaylangan na nating umalis!"

"Bakit tayo aalis?!" galit kong tanong dito at tumingin sa loob ng kotse mula sa bukas na pinto. Mas lalong kumunot ang noo ko ng makita ang iilang maleta. Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Bakit may mga maleta? What's happening?!"

Nahihirapang umiling ang babae sa'kin.

I crossed my arms in front of her, "tell me or we're not going to leave!" banta ko dito.

Mariing napapikit ang kakambal ko bago tumingin sa mga mata ko at seryosong nagsalita.

"I will tell you when we're already heading there. Please, go inside!"

"I'm not satisfied with your answer, Klyzia Blue. I know when you're lying!" giit ko dito.

Napalunok 'to, "please, inutusan lang ako nila Mommy. We need to leave, susunod sila sa'tin!"

Tumaas ang isang kilay ko. "Mom said that? Why?! Bakit daw?"

"I-I can't—"

"You can't or you won't?" seryosong tanong ko sa kanya na kinatigil niya.

Hindi na siya nakapag-salita at nag-iwas ng tingin sa'kin. I knew it! There's something wrong here! Ang tagal-tagal ko ng nakahiwalay sa kanila pagkatapos bigla nila akong papaalisin kasama ang kakambal ko? May kung gusto silang paiwasan sa'kin.

Mabilis akong tumalikod at naglakad papunta sa may gilid ng kalsada. I heard her shouting my name and telling me to go back there but I did not follow her. Pumara ako ng taxi na kaagad namang may huminto sa harapan ko. Binuksan ko ang pinto ng backseat at pumasok do'n.

"Ma'am saan ho tayo?" tanong niya sa'kin.

"Sa V.I.V. subdivision po," matigas kong sagot.

Umandar naman ang kotse paalis do'n. Mula sa rearview mirror ay nakita ko si Klyzia na nakatayo sa tapat ng kotse nito, nakatingin siya sa sinasakyan kong taxi. I shrugged my shoulders. I need to know what's happening, kung hindi nila sasabihin kusa kong aalamin.

MABILIS akong nakarating sa tapat ng bahay namin. Kumuha ako ng pera sa wallet ko pambayad sa driver. Nang maabot ko ang pera ay binuksan ko ang pinto sa gilid ko saka lumabas. Pagkasarado ko ng pinto ay lumingon ako sa likod dahil napansin ko ang isang pamilyar na sasakyan.

The Green Eye DevilWhere stories live. Discover now