Chapter 100

257 8 1
                                    


CHAPTER ONE HUNDRED

Three years after...

NAPAHINGA ako ng malalim ng langhapin ko ang hanging sumalubong sa'kin. As usual, mausok, mainit at siksikan ang tao sa NAIA Terminal One. Sinuot ko ang shades ko saka bored na tiningnan ang wrist watch ko. It's already twelve in the afternoon, dapat ay nandito na siya. Hinila ko ang maleta ko papunta sa may gilid.

My phone rang so I took it out to answer it.

"Tell me your exact location right now 'cause I'm getting annoyed," malamig kong tanong sa kausap ko.

Tumawa ito sa kabilang linya, "Huwag ka ng magalit, malapit na ako."

Napairap ako.

"Make it sure na malapit ka na dito sa airport hindi malapit na sa banyo!"

"Hahahaha, oo malapit na talaga ako. Just wait a second," pagkasabi niya ay pinatay na nito ang tawag.

Ibinalik ko ang cellphone sa bag ko pagkatapos ay lumakad papunta sa may waiting area. Dahil naka-shades ay hindi ako na-alangang pumikit. Dumilat lang ako ng makaramdam ng may umupo sa tabi ko. I stay still. Dumaan sa pang-amoy ko ang pamilyar niyang amoy.

Napadilat ako.

I know that woody and manly scent. Ilang beses ko ng naamoy ang scent na 'yon. Sa tuwing dumaan sa pang-amoy ko 'yon ay siya ang naalala ko. It reminds me of him. So much that it hurts sometimes.

Lumingon ako para makita kung sino 'yon.

Nalaglag ang panga ko ng makita kung sino 'yon. Pasimple kong kinurot ang sarili ko para magising sa panaginip na ito. Panaginip o bangungut? I don't know anymore.

Si H-Hunter... naka-upo sa tabi ko.

He is not looking at me, nakatuon ang mata nito sa hawak na cellphone pero—damn. Napa-ayos ako ng upo.

Nakilala kaya niya ako? Nakilala ba niya ako?

I hope no—wait!

Why I'm nervous? Wala akong ginawa sa kanya. Huminga ako ng malalim pagkapatapos ay tumayo na. Sa ibang lugar na lang ako maghihintay.

Hindi pa ako nakakalayo ng may tumawag sa'kin. Natuod ako sa kinatatayuan ko pagkatapos ay dahan-dahang lumingon. Si Hunter, nakatayo ilang dipa ang layo sa'kin.

"Miss, wait!!!"

There's no voice coming out from my mouth. He raise his hand, letting me know he's holding my handkerchief.

"I think this is yours."

Lumakad siya palapit sa'kin, huminto pagkatapos ay inangat ang kamay para iabot ang panyo. Nanginginig ang kamay ko ng inabot 'yon.

Nang makuha ang panyo ay tumalikod ako at mabilis na naglakad paalis. Pumara ako ng taxi para dalhin ako sa pinakamalapit na coffee shop. Tamad kong tiningnan ang panyo na nasa ibabaw ng lamesa.

Hindi ko alam kung itatapon ko na ba 'yon o itatabi pa. Nag-sip ulit ako sa Light Caramel Frappuccino ko.

"Tunaw na 'yang panyo kakatitig mo."

Napalingon ako sa nagsalita. Nakatayo sa likuran ko si Kuya Ivan habang nakangisi. He's wearing a white t-shirt and a khaki shorts, bumaba ang tingin ko sa paa nito. Tumaas ang kilay ko dahil naka slippers lang while wearing a shades.

The Green Eye DevilWhere stories live. Discover now