Chapter 122

189 5 0
                                    


CHAPTER ONE HUNDRED AND TWENTY-TWO

"NASABI ko na sa sarili kong anak kita kahit iba ang kulay ng mga mata mo. Inangkina na kita bilang sa'kin..."

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang hikbi.

Lumuluha siyang ngumiti sa'kin.

"D-did you ever try na ipa-DNA test ako?" kinakabagan kong tanong.

"No."

"Why?"

"Because I love your mother so much para pagdudahang hindi ka akin." Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi ko alam na nagtaksil siya noon. Hindi niya sinabi. Nagmukha akong tanga nung nalaman ko, kaya sobrang galit ko na sa'yo ko naibunton."

Napatakip ako sa bibig ko.

"May nag-report sa'kin ng lahat. May nagsabi sa'king nasa bansa na ang totoo mong ama para kuhanin ka, and I'm afraid na mangyari 'yon. I cannot let him take you away from us—"

"Klyzia... kaylan niya nalaman na hindi ikaw ang tatay ko?"

"Nung first year high school kayo. Nauna siyang umuwi, narinig niyang nag-aaway kami ng Mommy mo kaya nalaman niya lahat. We make her promise na huwag sasabihin sa'yo ang totoo na ginawa naman niya."

Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko.

Nahihirapan akong huminga. Para ba akong sinasakal kasabay nang pagsakit ng ulo ko dahil sa mga nalalaman ko.

God! Ang tagal nila akong mga niloko!

Napatayo ako.

"Why did you not tell me?!" pasigaw kong tanong.

"I'm scared!"

"That's not an enough reason to lie to me! You could have told me, make me understand hindi 'yung hinayaan niyo kong magdusa!!" puno ng hinanakit kong sigaw.

Napayuko ito.

"Huli na nung ma-realize namin 'yon. We thought na tama ang ginagawa namin. Akala namin—"

"PURO KAYO AKALA!! If sinabi niyo 'yung totoo baka naintindihan ko pa! Maiintindihan ko! Pero hindi niyo ginawa! Sarili niyo lang ang iniisip ninyo!!"

"I'm sorry, Klyzene..."

Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa frustration.

"You lied!" pabulong kong sumbat sa kanya. Ang hirap. Sobrang sakit pala neto. Nung iniisip ko... na marinig ang reasons nila, masakit na pero mas masakit pala kapag narinig mo na galing talaga sa bibig nila.

"I'm sorry for treating you badly. For hurting you. For making you cry... hindi ko inakala na ang mga ginawa ko ay hindi na pala tama. I just don't want to ruin our family. Ayokong mawala ang isa sa inyo sa'min... pero 'yun 'yung naging dahilan para tuluyan mo kaming iwan."

"When you left to come with them... nasa may airport ko. I'm looking at you in the departure area. I want to stop you from leaving us but my conscience stopped me. I saw how broken you are kaya hinayaan kita. Kung ang pag-iwan mo sa'min ang magbubuo sa sarili mo ay ba't ko pipigilan?"

Nagtamang muli ang mga mata namin.

"I'm sorry, Klyzene... I'm sorry for everything. Alam kong hindi mo pa ako kayang patawarin sa mga nagawa ko noon, but that's okay anak... it's okay. Daddy understands. I just want to clear things with you... ayokong mamatay na may galit ka sa'min ng Mommy mo."

The Green Eye DevilWhere stories live. Discover now