Chapter 65

218 3 0
                                    


Good morning Belladonna's!

good luck sa lahat ng may classes na bukas! fighting lang!


CHAPTER SIXTY-FIVE

KINAGAT ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang hikbi ko. Yumuko ako at do'n nag-umpisang magsitulo ang mga luha ko. hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na lang.

Ganito pala ang mag-heartbroken? It's fucking hurt.

And where I should go? Wala na akong mapupuntahan.

Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa ground floor na ako ay mabilis akong nagpunas ng pisnge at lumabas hila-hila ang maleta ko. Ang mga nasa ibabang tao ay napatingin sa'kin na may panghuhusga. Lumakad lang ako palabas ng hindi sila pinapansin. Nang makalabas na ako sa building ay tiningnan ko ang wallet ko.

I only have three hundred pesos and hindi aabot 'to para sa'kin ngayong araw. Saan ako madadala nito? Para naman akong nanghina dahil dito. Wala na akong pera, wala pa akong bahay na matitirhan. Anong klaseng kamalasan ang nakadikit sa'kin?

Naisipan ko ng huwag na lang mag-taxi para makataipid, wala pa rin naman akong eksaktong pupuntahan. Hila-hila ko ang maleta ko habang papalayo sa condo. Nag-uumpisa na ring tumaas ang sikat ng araw kaya sumasakit na sa balat ang sinag nito.

Malayo-layo na ako ng maisipan kong magpahinga. Basang-basa ako ng pawis at magulo na ang buhok ko. Pakiramdam ko ay nanlilimahid na ako. Huminto ako sa may isang karenderya. Mabango ang aroma ng pagkain nila. Lumapit ako sa may estante kung saan nakalagay ang mga pagkain.

Mayroong gulay, pork adobo, chicken adobo, pancit I think, may ampalaya, fried fish, sinigang na hipon, may fried chicken and lastly barbeque.

Napalunok ako dahil sa gutom. Kung kakain pa ako sa fast food or restaurant ay mauubos talaga ang pera ko.

"Ineng, bibili ka ba? Masamang tumambay dito!" stricktang sita ng tindera. Tumingin ako sa kanya.

"Ahmm... magkano po for adobo and kanin with drinks?" tanong ko.

Nakakalokong nginisihan ako ng matanda bago sumagot. "Abe, englishera ka pala, neneng." Tinuro nito ang adobong manok, "'Yung manok fifty pesos, 'yung adobong baboy sixty-five wala pang kanin 'yon pareho. Plus twenty kapag may kanin."

Napatango ako. "Okay po. Ahm... 'yung adobong chicken po and isang order ng rice."

"May soft drink ba, Neng?" tanong nito habang pinaglalagay ako ng ulam sa isang bowl.

"M-magkano po 'yung soft drinks?" tanong ko. I need to budget my money.

"Kinse," sagot nito.

Fifty, twenty and fifteen? Eighty-five? No. I cant.

"Ahm... hindi na po. Libre po ba 'yung water?"

"Oo, ere na akin na bayad mo!" asik nitong binigay sa'kin ang isang tray. Kumuha ako ng one hundred pesos sa wallet ko at inabot dito. If before I will let them have the change, not it's different.

Napalunok ako ng iabot niya sa'kin ang sukli ko. Inilagay ko naman agad 'yon sa wallet ko at pagkatapos ay naghanap na ng table kung saan pwedeng umupo. May nakita akong bakanteng table sa may dulo, nagpunta ako do'n.

Gamit ang isang kamay ay hila-hila ko ang maleta ko.

"Aray naman!"

"Ba't kasi hindi buhatin?!"

The Green Eye DevilWhere stories live. Discover now