Chapter 36

249 3 0
                                    


CHAPTER THIRTY-SIX

MY heart beats aggressively when he say those words. Jesus! Do I already have heart disease?! Am I going to die?!

"I'm starting to eat right now. Kaka-uwi ko lang galing Bar," aniya sa kabilang linya.

Bumangon ako sa kama at kinuha ang notebook ko then nagpunta sa may study table ko. Inilagay ko sa lamesa ang mga hawak ko at umupo sa upuan ko.

"Ah okay," tugon ko.

"Hindi mo man lang tatanungin kung anong kinakain ko?" aniya sa nagtatampong tono.

Napahinga ako ng malalim saka umirap. "Bakit ko kaylangan tanungin kung anong kinakain mo? Physician mo ba ako?" mataray kong tanong.

Tumawa si Hunter sa kabilang linya. "I didn't know na marunong kang mag-joke, Klyzene," aniya.

"I'm not a clown so stop laughing."

"Okay.... So... how's your day?"

"Okay? I mean, normal."

Narinig ko siyang nagmura sa kabilang linya at dumadaing na nasasaktan. Nakaramdam ako ng pag-aalala para sa kanya na hindi ko alam kung saan nagmula.

"Are you okay?" I asked.

"N-no! Yes!! Just wait me! I need to clean this up, argh!" he hissed, I heard another curse and another again, and again, again, again. Lahat ba ng mura babanggitin na niya?

Sunod kong narinig ang lagaslas ng tubig na mula siguro sa lababo. Hula ko ay natapon niya ang kinakain niya. I put it on a loud speaker, ipinatong ko sa cellphone holder ko and binuksan ang libro ko para magbasa. I need to study because I'll have another entrance exam in a school I want.

Hindi pa man ako nakaka-tatlong page ay nagsalita na si Hunter.

"Still there?" tanong niya.

"Yes," ani ko habang sinusuri ng tingin ang libro. I'm holding a high lighter to highlight important things I need to remember.

"Sorry for that, natapon 'yung kinakain ko," nasa boses niya ang panghihinayang. Nakaka-awa naman siya.

"Hmm..."

Mahabang katahimikan ang namagitan saming dalawa. Walang nagsasalita, ang pag-hinga lang ng isa't isa ang naririnig namin. Kumunot ang noo ko ng marinig ang lagaslas ng tubig sa background ni Hunter. I face palmed. Don't fucking tell me that he's taking a shower?!

Naiinis na kinuha ko ang phone ko at papatayin na sana ang tawag ng may marinig akong kung ano. Inilapit ko sa tenga ko ang phone at lumaki ang mata ko ng marinig si Hunter. Is he....

MORNING! It should be a peaceful start for me but universe doesn't want me to have it. Blue is in my room asking me questions about last night. She heard me shouting and talking to someone that's why.

"Black, sabihin mo na kasi kung sino 'yung kausap mo. Hindi ko naman sasabihin kina Mom," panungulit niyang tanong.

Tiningnan ko siya mula sa salamin ng banyo ko. I'm putting my lipstick on.

"How many times I should tell you it's nothing. You shouldn't ask anymore." Tamad kong sagot saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

She pouted her lips. "B-But... narinig kita last night!" parang batang sabi niya.

The Green Eye DevilOnde histórias criam vida. Descubra agora