Chapter 102

217 7 0
                                    


CHAPTER ONE HUNDRED AND TWO

KINABUKASAN ay maaga akong gumising para bumili ng mga gamit sa hotel, kasama ko si Ate Riley na siyang nagmamaneho ng sasakyan na ginagamit sa hotel. Malaki kasi 'to at kasya ang bibilhin namin.

Sumandal ako sa upuan ko.

"Kumain kaya muna tayo?" paanyayang tanong ni Ate Riley.

"Nah, I'm good. kumain naman tayo before kanina." Pinanood ko ang pagliko namin.

Hindi na siya sumagot, I think nakuha na niyang gusto kong tahimik.

Last night, napag-isipan ko ng kumuha ng interior designer at enginner para makatulong sa pagre-renovate ng hotel. Hindi ko kasi kakayanin if ako lang mag-isa or kapag kasama namin ang mga tauhan. I need experts to deal about this.

Nai-budget ko naman na ang pera, pasok pa naman kaya ipu-push ko na. Pag nakabawi naman ang resort ay mababawi ko rin ang pera kaya okay lang. Saka dapat matagal ng ipina-renovate ang resort dahil may katandaan na rin ang hitsura.

To start new beginnings.

Sa ngayon, bibili muna kami ng supplies namin like foods, soaps for clothes, cleaning materials and 'yung ibang needs pa for the mean time. Nakakahiya sa mga iilang nagbabakasyon sa hotel if kulang-kulang ang gamit namin.

Napahikab ako saka tumingin sa labas ng bintana. Hindi ako halos nakatulog kanina dahil sa pag-iisip tungkol sa hotel at kung paano namin 'to maiaayos--sinungaling.

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip kay Hunter. Pumapasok sa isip ko lahat ng mga pinaggagawa niya. Naalala ko pa 'yung pagkikita namin sa airport.

'Di ko ma-iwasang itanong sa sarili ko kung nakilala ba niya ako, kasi kung oo, bakit hindi niya ako kina-usap? Dont get me wrong, nagtataka lang ako kung bakit dahil 'yung huli naming pag-uusap ay 'di maganda.

Siguro hindi, kasi kung naalala nga niya ako ay baka kina-usap niya ako. Yes, tama. 'Di nga siguro.

Paano ko kaya mahihigitan ang resort ng lalaki?

Kung madami siyang new activities and facilities dapat ay kami rin. Hm... maybe they have their website like us, so people can see what they offer. Titingnan ko mamaya 'yon.

"Ate, may kilala ka bang interior designer then engineer?"

Nilingon ako ni Ate.

"Yaz! May kilala ako. I'll call her later," anito.

"Okay. What's her name?" nilingon ko si Ate.

She pouted her lips. "I forgot her name but I remember their surname. Minsan ko lang kasi sila nakilala and 'yung asawa pa niya 'yon but I think its Evans... yes. Evans nga yata."

Tumango ako. Evans? Bakit parang pamilyar sa'kin ang apilidong 'yon? Pumikit ako ng mariin. Sa dami ng tao sa mundo malamang madaming magkaka-apilido.

Isang oras ang naging byahe namin papunta sa market. Bumaba ako at sinuot ang cap ko, si Ate Riley ay kumapit sa braso ko saka ako hinila papasok. Madaming taong namimili, idagdag mo pa ang kakaibang amoy dahil sa mga paninda. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok.

Una kaming nagpunta sa bilihan ng manok, nakahilera sa kanan at kaliwa ang nagtitinda ng manok at baboy.

Magkasama na sila? I thought magka-iba 'yung nagbebenta ng mga pork and chicken?

The Green Eye DevilWhere stories live. Discover now