Chapter 24

257 6 0
                                    

Gooood evening!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

CHAPTER TWENTY-FOUR

MAAGA AKONG nagising kinabukasan kaya maaga rin akong nakapag-ayos para sa school. Gusto ko sanang pumasok kaya lang napigil ako ng mga kasambahay naming kung ano ano na naman ang pinagsasabi sa'kin. Hindi talag sila natatakot. Nice.

"Sweetie, aalis ako ngayon ha." paalam sa'kin ni Mom habang nagsusuklay ako ng buhok ko.

Nilingon ko siya. "Okay."

Ngumiti siya sa'kin at lumapit. "Sweetie, I know we're not that close but you know you can talk to me, right? I'm always here for you." Malambing niyang sabi.

Tinanguan ko ang sinabi niya at saka tumalikod na. hinarap ko ang laptop ko at duon itinuon ang atensyon. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at saka ang yabag ng paa paalis sa kwarto ko. Nang sumarado na ang pinto ay umayos ako ng upo.

If I ask you questions will you answer it?

I have so many questions about myself. There's so many things running inside my head, Mom. Like why I have different eye color? Why do I feel not belong to this family?

Gusto kong isigaw ang mga yon sa kanya dahil baka magsabi na sila ng totoo sa'kin pero hindi ko na tinuloy. Ayoko ng sabihin.

TANGHALI na ng mapagpasyahan kong bumaba,at habang nasa kalagitnaan ng hagdan ay napaisip ako ng isang kalokohan. Tinabig ko ang isang vase na regalo kay Dad ng isa niyang business partner. Lumikha yon ng ingay. Nagsitinginan sa'kin ang mga katulong na ngayon ay naglilinis sa sala. Tinaasan ko lang sila ng kilay saka nginisihan.

"M-Ma—"

Humarap ako sa nagtangkang magsalita at sinenyasan siyang tumahimik. Saka naglakad palapit sa TV sa sala. Tumingin ako sa kanila saka ngumiti at hinilan pahulog ang TV.

Umawang ang labi nila sa ginawa ko.

"Walang magpapahinga dahil marumi ang buong bahay." Malamig kong sabi saka hinulog ang mga bagay na mahahawakan ng kamay ko. When I saw how the living room mess, it gives me a little satisfaction. "There. It's messy too. Clean it." Madiin kong utos sa kanila saka nagtuloy sa kusina.

Nakita kong malinis ito kaya naman lumapit ako sa lalagyan namin ng mga plato. Kinuha ko ang mga iyon saka binagsak. Pati baso at mga spoon and fork. Nang matapos ako ay lumapit ako sa ref at kumuha ng isang box ng cookies.

Umupo ako sa ibabaw ng mesa at tinabig ang mga naka-design sa gitna non. Humiga ako sa ibabaw ng lamesa at tiningnan ang Chandelier na naka sabit sa taas.

"Kung sisirain kita, matutuwa kaya sila?" tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ng masama ang walang muwang na salamin.

Narinig ko ang pagkakagulo ng mga katulong dahil sa ginawa ko. Napangiti nalang ako habang nagiging musika sa pandinig ko ang mga pangamba nila. Tumayo ako at bitbit ang hawak kong cookies na lumabas ng kusina.

Pumanik ako sa kwarto ko at nag-isip ng susunod kong gagawin sa kanila. What if lasunin ko sila? Kidding. I don't want to go in jail. Not now.

Napatingin ako sa cellphone ng marinig kong mag-ring yon. Nakita kong si Blue ang caller. Sinagot ko ito.

"Yes?" ani ko saka kumagat sa cookie.

"Black! Bakit ngayon mo lang sinagot ang phone mo? You know I'm so worried!" malakas na sabi nito sa kabilang linya.

Napairap ako. "Don't overreact, Blue. I'm alive." Malamig kong sabi saka umupo sa kama ko.

The Green Eye DevilWhere stories live. Discover now