Chapter 125

217 4 0
                                    


CHAPTER ONE HUNDRED AND TWENTY-FIVE

PAGKATAPOS naming kumain ng almusal ay inaya na kaagad ako ni Kuya paalis kaya hindi ko na naka-usap pa si Hunter dahil nagmamadali ang lolo niyo. Mukhang na-bwisit dahil panay ang tanong niya sa'kin pero ang binata ang panay ang sagot. Nagpalit rin ako ng turtle neck para hindi mahalata ang mga hickeys ko. Hindi pwedeng makita ni Papa 'yon kung hindi maghihisterikal siya.

Nasa loob na kami ng sasakyan ni Kuya nang nilingon niya ako.

Mukhang may alam siya sa nangyari sa'ming dalawa ni Hunter. Hindi naman siguro siya inosente para hindi makalaman ang mga bagay na 'yon.

"What?" mataray kong tanong.

He have this straight face while driving. I pouted my lips.

"Make it sure na wala kayong ginagawang kalokohan ni Hunter, Klyzene Black... kung hindi—" sadya niyang tinigil ang sentence at masamang tumingin sa'kin.

Napilitan akong tumango. Sa isip-isip ko, baka nakumpirma niya ang totoo ay bugbugin na lang niya si Hunter. Protective pa naman sila sa'kin ni Papa, isama mo na si Kuya Nat.

"Parang gusto ko ng fries at burger, Kuya. Drive thru tayo sa McDo," ani ko.

Hindi sumagot si Kuya at nag-drive lang. Nang may mapansin akong logo ng McDo ay siya ding pag-liko do'n ng sasakyan. Si Kuya na ang nagsabi ng order ko. Nagdagdag na rin siya ng para sa sarili niya. Pagkatapos niyang mag-order ay pinaander na niya ang kotse papunta sa may receiving area.

Kuya took out his wallet and take his black card para ibayad sa babae.

Inabot ni Kuya ang paper bags at ibinigay sa'kin ang isa. Binuksan ko na kaagad 'yon at saka inilabas ang fries. Kumuha ako ng isa at sumubo. May nasa maliit na cup na ketcup na binuksan ko.

"Want some?" I asked him.

He raised his eyebrow, using one hand he open other paper bag to take out the other burger. Tinawanan ko siya dahil hirap siya sa pagbukas ng burger niya. Ibinaba ko ang hawak kong fries saka inalis ang pagkakabalot sa pagkain nito.

Sinubo ko sa kanya ang burger na kinagatan naman niya. Nilayo ko ang kamay ko at nilagyan ng straw ang coke nito.

"Sinong kasama ni Papa sa condo?"

"I don't know if he's still there, when I left I saw him getting ready to go out. Sa Shangri-La The Fort Manila niya gustong mag-punta para kumain," anito.

Tumango ako.

"Daan muna tayo sa condo para makapag-palit ako ng damit?" tanong ko.

Nilingon niya ako sandali bago tiningnan ang suot ko saka binalik ang tingin sa daan.

"Hindi na. That's fine," sagot nito.

"K."

Sumandal ako sa upuan habang kumain. Kumagat ako sa isang nuggets na order ni kuya. Sinubuan ko rin ang loko para naman hindi nia masabing ako ang umuubos ng order nito. Nang malapit na ako mabusog ay tumigil na ako sa pagkain. Baka sobra akong mabusog para mamaya.

PUMASOK kami sa loob ng Shangri-La The Fort, Manila that located here in 30th Street, corner 5th Ave, Taguig, 1634 Metro Manila. Walang masyadong tao kaya hindi na nakakahiya ang suot ko. Mukha akong ewan eh.

Nakakapit ako sa braso ni Kuya dahil paika-ika pa rin ako.

"Where is he?"

"Raging Bull Chophouse. Let's find it," anito.

The Green Eye DevilTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang