Chapter Twelve

316 6 0
                                    

Good morning Belladonna's, Enjoy Reading!

CHAPTER TWELVE

HUNTER'S P.O.V.

INALIS ko ang suot kong shades nang makarating ako sa Resort na pagmamay-ari ng kaybigan kong si Jake. I went all the way here just to practice for his wedding.

Bumaba ako sa sasakyan ko at kinuha ang bag na dala ko sa back seat. I just bring 3 pairs of my clothes at kapag wala na akong maisuot ay bibili nalang ako sa mga stores dito. Sinarado at ini-lock ko na ang pinto ng kotse ko at naglakad na papasok ng loob ng resort.

Humarap ako sa isang tauhan sa may front desk. Ngumiti sa'kin ang receptionist.

"Good afternoon, Sir. Will you stay all night, Sir?" tanong niya.

Inalis ko ang suot kong salamin and I look at her.

"I'm just going to ask where Anderson's Rest House is?" tanong ko. Hindi pa naman kasi ako nakakapunta don. Dito sa resort ilang beses na pero sa rest house nila hindi pa. Palagi nalang kasi may mga aberya na nangyayari.

Tumango siya. "Yes sir. You may go to the beach then kumanan po kayo at derecho nalang po kayo. Nasa dulo po yung rest house nila." aniya.

I smiled at her. "Thank you."

She just nodded and I turn my back. Lumakad na ako paalis don at pumunta sa sinasabi niya. Lumabas ako sa beach. Binaybay ko ang daang tinuro ng receptionist sa'kin. Habang naglalakad ay naglilibot na rin ako ng tingin sa paligid.

Madami nang tao and as I can see, mukhang nage-enjoy naman sila sa pagtatampisaw sa tubig dagat. May mga babaeng nagpapa-tan, may mga naglalaro ng volleyball. May mga nasa dagat rin.

Binilisan ko ang paglalakad dahil ayoko sa atensyong nakukuha ko. I've come to my senses. Hindi ko talaga kayang palitan si Divine sa buhay ko. I just can't. Hindi ganun kababaw ang pagmamahal ko sa kanya para lang ipagpalit siya dahil sa tawag ng laman.

NAKARATING na ako rest house nila Jake ng mga bandang 4 pm na. Naabutan kong naghaharutan sina Henry at Benj sa gilid habang sina Jake at Alex ay busy sap ag-uusap. They didn't seem to notice me so I sneezed. They look back at me and they smile.

Benj and Henry run after me. Ipinalibot ni Henry ang braso niya sa leeg ko at sinakal ako. Mabilis kong hinawakan ang braso niya at inalis ko sa leeg ko. Inikot ko siya at inilagay ang braso nito sa likod niya habang nakahawak ako sa balikat niya.

"Pre!!!! Pota!!!! Masakit!!!!!!! Tama naaa!!!" sigaw niya.

Sinabayan naman ni Benjamin ng malakas na tawa habang kinukuhanan ng video si Henry. Tiningnan ng masama ni Henry si Benj.

"Preeee, gago ka! Tulungan mo ako!!!" sigaw pa niya.

Inilingan lang siya ni Benj habang panay ang tawa at panay ang pagkuha ng video. Pagkatapos ng ilang sandali ay binitawan ko na siya at lumapit kina Jake.

"Gago ka Hunter! Babalian mo pa ako! Paano nalang kung mabali itong isa kong braso? Paano nalang yung mga babaeng mapapaligaya nito?" madramang sabi niya.

Inilingan ko siya.

"May isa ka pa namang braso, pwede na yan." Pagdadahilan ko at ngumiti kay Alex pagkaharap. "Nice to meet you in person, Alexandra." Ani ko at inilahad ko ang kamay ko. "I'm Hunter Winchester, Jake's friend." Pagpapakilala ko.

The Green Eye DevilOnde histórias criam vida. Descubra agora