Chapter 40

24.3K 591 275
                                    

Nandito ako ngayon sa may pool area kasama sina Blair at Sahara habang nagsu-swimming sila. Ang kasama kong sina Haru at Eiselle naman ay abala sa pagkuha ng litatro sa dalawang bata.

Matapos ang klase nila ay kaagad na silang dumiretso dito sa mansyon para raw bisitahin si Blair. Kasama rin sa pagsu-swimming kanina si Yesheem pero nang biglang dumating sina Haru at Eiselle ay nagpaalam na itong tapos na siyang maligo at gagawa nalang raw ng kaniyang homeworks sa loob ng kwarto niya.

"Ate Adi, pinapasabi pala nina Mama at Lola na pumunta raw kayo bukas sa bahay kasama sila Kuya Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Birthday ni Mama kaya inaasahan niyang pupunta kayo sa birthday celebration niya." sabi ni Haru habang winiwisikan nito ng tubig sina Blair at Sahara na natatawa naman sa ginagawa niya.

Tumango ako. "Oo nga pala at birthday ni Mama bukas. Sige, pupunta kami. Sasabihin ko nalang 'yon sa triplets." sagot ko.

"Anong sikreto mo kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin mukhang losyang, Ate Adi? May asawa't anak ka na pero dalaga ka pa ring tignan!" curious na tanong naman sa akin ni Eiselle.

Natawa naman ako. "Basta't kumain ka lang ng gulay at uminom ng maraming tubig ay hindi ka malolosyang, Eiselle." payo ko sa kanya.

"Wala na bang ibang way, Ate Adi? Hindi pa naman ako mahilig kumain ng gulay." nakalabi niyang sabi.

Nilingon ko si Haru. "Haru, dapat yatang sanayin mo nang kumain ng gulay si Eiselle. Favorite dish pa naman natin ang Pinakbet. Ipagluto mo nga siya nun para naman kahit papaano'y matuwa sa'yo ang girlfriend mo." sabi ko.

Kumindat naman sa amin si Haru sabay baling niya kay Eiselle. "Lovey, alam mo bang masarap akong magluto ng Pinakbet? Kahit gulay ang ingredients nun ay siguro akong magugustuhan mo ang luto ko." pagyayabang niya.

Pabiro namang umirap si Eiselle kay Haru saka nito ibinulsa ang hawak niyang cellphone sa bag niya. "Talaga ba? Then let's see kung masarap nga 'yan."

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang dalawa. Mabuti naman at sa huli ay sila rin ang nagkatuluyan.

Nawala na ang pagiging torpe ni Haru at isama na doon si Noah na sa una ay natotorpe rin kay Cristina. Sana ay hindi nila mapagdaanan ang mga napagdaanan naming hirap at pagsubok ng triplets sa relasyon namin.

Pagkatapos maligo sa swimming pool nina Blair at Sahara ay sakto naman ang pagdating nila Ahmed, Ahnwar at Ahzik galing sa trabaho nila.

Dahil hindi pa kami lahat nakakapag-dinner ay nagyaya silang kumain kami sa labas kasama sina Haru at Eiselle. Niyaya namin si Yesheem na sumama sa amin pero ang sabi niya ay magpapahanda nalang raw siya ng makakain sa mga katulong sa mansyon dahil marami pa siyang homeworks na kailangang tapusin.

Ang mga kapatid naman niyang lalake na sina Danielle at Ryder ay parehong nasa Taekwondo class nila at baka mamaya pa raw makakauwi ang mga ito.

"Kumusta naman kayo sa bahay, baby?" tanong sa akin ni Ahnwar na hinalikan ang pisngi ko at hinapit ang baywang ko.

Nasa loob na kami ng kotse ni Ahmed papunta sa kakainan naming restaurant na pagmamay-ari raw nila Tita Rica.

"Ayos lang naman. Kayo? Kumusta ang trabaho niyo?" tanong ko kay Ahnwar.

"Hmm.. it's pretty good. Balak ni Mom na magturo sa isang Public School as high school teacher kaya hindi na rin niya matutulungan si Dad sa pagpapatakbo ng business namin pero kaya rin naman naming tulungan si Dad doon. We are three so it's hassle free." nakangiti niyang sabi sa akin.

Magandang ideya na rin siguro iyong gusto ni Tita Rica na magturo sa isang Public School. Balita ko ay nakapagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education sa amerika pero hindi niya nagamit ang napag-aralan niya dahil naging abala siya sa pagma-manage ng dine-in restaurants ng lolo niya dito sa Pilipinas at nagkapamilya na rin siya.

The Triplets AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon