Chapter 24

20.2K 646 309
                                    

Unexpected Turns

Natuloy na nga ang family date naming apat at nagpapasalamat naman ako dahil hindi nag-aaway ang triplets ngayong araw na ito. Behave naman sila habang nililibot namin ang iba't-ibang pasyalan dito sa Maynila. Hindi rin mawawala kay Blair ang pag-anyaya niya sa Jollibee na hindi pupwedeng tanggihan ng mga Dada niya.

Hindi pa man totally natatanggap nina Ahnwar at Ahzik na boyfriend ko na rin ang kapatid nilang si Ahmed ay nakikita ko namang pilit nilang iniintindi ang sitwasyon namin ngayon. Kahit ano pa man kasing gawin nila ay ama pa rin ni Ahmed si Blair at may karapatan talaga ito sa amin, idagdag pang mahal na rin ako ng kapatid nila katulad rin ng nararamdaman nila para sa akin.

Hindi na mabitawan ni Ahmed si Blair at nang ipinasa ito kanina ni Ahzik sa kanya ay hindi na niya hinayaan pang kargahan ito ng mga kapatid niya. Iniintindi ko nalang ang nararamdaman ni Ahmed at alam kong medyo galit rin siya dahil kasama pa namin sina Ahnwar at Ahzik sa family date namin.

Nagpunta kami sa Manila Ocean Park at si Blair naman ay tuwang-tuwa sa mga nakikita niyang sea species sa malaking aquarium kung saan ay nakikita namin ito. Hindi rin nawala ang picture taking namin sa loob ng Manila Ocean Park at si Ahzik na ang naging photographer naming lima.

Pagkatapos namin sa Ocean Park ay nagpunta naman kami sa Luneta Park. Kumpara noon na may mga kalat at basura pa sa parkeng ito ngayon naman ay malinis na ito at name-mentain na rin ang tamang amount ng tao na nagpupunta rito.

Dahil busog pa kami nang kumain kami kanina sa Jollibee ay bumili nalang kami ng ice cream at cotton candy sa isang naglalakong vendor dito sa Luneta Park.

Hindi ko maitago ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon lalo na't kasama ko sila Blair, Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Parang ayoko nang matapos ang araw na ito para sa aming lima dahil panigurado na sa mga susunod pang mga araw ay may mga problema at pagsubok pa kaming haharapin at dapat malampasan.

"Nag-enjoy ka ba sa pamamasyal natin ngayon, baby?" nakangiting tanong ni Ahnwar at umakbay ito sa akin.

Nakaupo kami sa isa sa mga wooden bench dito sa Luneta Park at nagpahinga muna kami saglit sa ilang minuto na naming paglalakad.

"Oo naman. Nag-eenjoy nga rin si Blair dito." sabi ko naman at sinulyapan si Blair na pinapakain ni Ahmed ng hawak nitong cotton candy.

"We're glad to know that. Hindi talaga kami pumasok sa work ni Ahzik para naman magkaroon rin tayo ng family bonding kasama si Blair as your boyfriends." sabi ni Ahnwar at tinignan nito si Ahzik na ngumiti lang sa akin.

Ngumiti nalang ako at itinuloy ang pagkain ko ng ice cream. Nang tinignan ko si Ahmed ay nakakunot-noo lang ito habang pinapakain pa rin si Blair ng cotton candy.

Pagkatapos naming kainin ang binili naming ice cream at cotton candy ay muli naming nilibot ang Luneta Park. Abala na naman ulit si Ahzik sa pagkuha sa amin ng litrato gamit ang dala niyang DSLR camera.

Nang mapagod na kami sa paglilibot sa Luneta Park ng ilang oras ay nakaramdam na kami ng gutom. Pinili nalang namin na kumain sa isang Filipino restaurant na malapit lang rin sa labas ng Luneta Park.

Habang kumakain kami sa isang table ay may mga lalakeng pumasok dito sa loob ng restaurant at iyon ay ang mga kaibigan ni Ahnwar na na-meet ko na noon na sina Taylor at Minseok.

Kaagad rin nila kaming nakita sa pwesto namin. Napansin naman sila ni Ahnwar kaya kinawayan niya ang mga ito. Kumaway si Minseok sa amin hanggang sa lumapit na ito sa pwesto namin habang nakasunod sa kanya si Taylor na nakatingin lang ng mariin sa akin.

Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya at inasikaso nalang si Blair sa pag-inom nito ng tubig.

"Hey, dude! Nandito pala kayo ngayon. Family bonding?" nakangising tanong ni Minseok kay Ahnwar at nakipag-apir siya rito.

The Triplets AddictionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant