Chapter 26

17.5K 573 175
                                    

Ngiting-ngiti si Governor Sandoval habang pinagmamasdan niya kami ni Gelyn na nanonood ng live parade dito sa plaza ng bayan ng San Mariano.

Simula nang lumapit siya sa amin kanina ni Iverson at pinaalis niya ito ay hindi na rin umalis si Governor Sandoval sa pwesto namin ni Gelyn. Ang dalawang bodyguards naman niya na parehong may mga malalaking pangangatawan ay nasa likuran lang niya habang nagmamasid ang mga ito sa kapaligiran namin.

Kanina pa tumitili ng mahina si Gelyn sa tabi ko sa tuwing napapasulyap sa amin si Governor Sandoval. Para raw siyang hihimatayin dahil sa kagwapuhan at kabaitan ng batang Gobernador namin.

Kapag nakita lang talaga ni Goyong ang inaasal nitong nobya niya ay paniguradong magagalit at magseselos iyon kay Gelyn!

"Sa tingin ko talaga ay may type sa'yo si Governor Dean, best! Kahit kinikilig ako na tumitingin siya dito sa gawi natin ay alam kong ikaw ang tinitignan talaga niya!" bulong sa akin ni Gelyn para hindi marinig ni Governor Sandoval ang sinasabi niya patungkol rito.

"Tumigil ka nga dyan, Gelyn! May asawa na ako at si Francis 'yon, maliwanag ba? At saka baka friendly lang talaga si Governor Sandoval kaya sinasamahan niya tayo ngayon dito pagkatapos niyang paalisin ang playboy raw na Iverson na 'yon." sabi ko.

"Duda pa rin talaga ako, best. Iba kasi talaga, e. Iba 'yong mga tingin niya sa'yo, parang may halo 'yong malisya-"

Pinandilatan ko na ng mata si Gelyn para manahimik na siya. Masyado nang malisyosa ang kaibigan kong 'to para isiping may gusto sa akin si Governor Sandoval.

Hindi naman ibig sabihin na mabait lang sa akin iyong tao at inilayo niya ako sa playboy na Iverson na iyon ay gusto na niya kaagad ako.

Isang Gobernador si Dean Sandoval sa probinsya namin at ang kapakanan lang ng mga taong nasasakupan niya ang inaalala niya. Kabilang na ako sa taong iyon kaya natural lang na maging mabait at friendly siya sa amin ni Gelyn.

"Are you two enjoying the parade?" pag-imik ni Governor Sandoval nang binalingan niya kami muli ni Gelyn.

"Oo naman po, Gov. Salamat rin pala sa libreng pakain niyo sa amin dito sa fiesta. Nabusog po kami sa sarap ng mga pagkain dito." nakangiting ani Gelyn at hinimas pa nito ang tiyan niyang lumaki na dahil sa kabusugan sa kinain namin kanina.

"No problem. Pwede rin kayong mag take-out ni Aliyah ng pagkain kung gusto niyo. Para may makain rin kayo pag-uwi niyo sa bahay ninyo mamaya." sabi naman ni Governor Sandoval at nginitian niya ako.

"Talaga po ba? Ay! Maraming salamat po, Gov! Hindi ka lang pala gwapo kundi sobrang bait pa!" pambobola ni Gelyn kay Governor hanggang sa lumapit na ulit ito sa lamesang maraming pagkain at nagbalot na ng mga pagkain na iuuwi niya.

Nahihiyang nginitian ko nalang si Governor Sandoval na nanatili pa ring nakangiti sa akin.

Parang hindi man lang nangangawit ang panga niya sa kakangiti. Ganito ba talaga kasiyahin ang Governor na ito?

Bata pa ito kung titignan at sa tingin ko nga ay magkasing-edad lang kami. Paano kaya siya naging Gobernador ng San Mariano? Malaki rin ang tungkulin at responsibilidad ng pagiging isang Gobernador at nakakamangha lang na tinanggap na ni Governor Dean Sandoval ang posisyon na iyon sa bata pa niyang edad.

Lahat ng mga taong nakakakita kay Governor Sandoval ay binabati siya at pinupuri. Magalang naman niyang kinakausap ang mga ito mapa bata man o matatanda. Maganda ang asal nito at tila pormal na pormal sa pakikipag-usap sa mga tao dito sa San Mariano.

Pagkatapos niyang makipag-usap sa isang matandang lalake at nakipag-kamay pa siya rito ay lumapit na ulit siya sa akin at nagpamulsa ito.

"Ayos ka lang ba, Aliyah? Hindi ka ba sanay na makakita nang masyadong maraming tao?" nag-aalala niyang tanong. Napansin niya yata ang pagkailang ko sa mga taong napapatingin sa akin.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now