Chapter 2

36.5K 1.1K 906
                                    

"Ang kapal naman ng apog ng lalakeng 'to, Ate Adi! Pagkatapos niya kayong iwanan ni Blair at takbuhan ang responsibilidad niya sa inyo ay bigla nalang siya magcha-chat sa'yo ng ganito?" gigil na gigil na sabi ni Harley Ruvin o Haru habang paulit-ulit nitong binabasa ang chat sa akin ni Leigh kagabi sa messenger ko.

"I-block mo 'yang lalakeng 'yan. Sa oras na bumalik pa siya dito sa Pilipinas at guluhin kayo ni Blair ay ako ang makakalaban niya." seryoso at madiin namang sabi ni Kuya Hideyo habang inilalagay nito ang mga damit niya sa loob ng itim nitong backpack.

Alam kong nagagalit si Kuya Hideyo ngayon sa biglaang pagpaparamdam sa akin ni Leigh ngunit kinokontrol lang nito ang emosyon niya. Malaki ang galit niya kay Leigh simula nang iwanan ako nito papuntang Germany kasama doon ang pamilya niya.

"Opo, kuya." sagot ko naman at napabuntong-hininga nalang.

Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng chat sa akin ni Leigh kagabi.

Paano kung magbalik siya na posible ngang mangyari? Paano kung guluhin niya ako at maging pati ang anak ko? At paano kung bigla niyang bawiin sa akin si Blair?

Hindi ako makakapayag doon. Matagal na siyang nawalan ng karapatan kay Blair nang pinabayaan niya ako at iniwan dito sa Pilipinas kahit na nabuntis niya ako noong mga panahong iyon.

Hinding-hindi na ako kailanman babalik pa sa kanya. Wala nang ama si Blair at kaya ko itong buhayin kahit ako lang mag-isa.

Kinaya ko ang limang taon. Pagkatapos kong manganak ay kung saan-saan na rin ako nakapagtrabaho sa tulong nina Kuya Hideyo at Nikolai. Kung wala sila sa tabi ko ay baka hindi ko kakayanin lahat ang pagsubok na nangyayari sa buhay ko.

Nagpaalam na kami kila Mama, Lola at anak kong si Blair na aalis na bago kami lumabas na tatlong magkakapatid sa bahay namin. Papasok na kami ni Kuya Hideyo sa mga trabaho namin at si Haru naman ay papasok na sa school nila.

"Allowance mo na 'to ng isang linggo, Haru. Huwag ka na ring humingi ng pera kina Mama at Lola." Naglabas ng pera si Kuya Hideyo sa wallet niya at inabutan niya ng 2,500 pesos si Haru na tuwang-tuwa naman dahil may advanced allowance na ito.

"Wow! Ang bait talaga nitong gwapo naming kapatid, oh? Salamat, kuya. Labyu!" pambobola ni Haru kay Kuya Hideyo na napangiti nalang saka ito umiling.

Nauna nang umalis sa amin si Haru dahil susunduin pa nito si Noah sa bahay nila at sabay na raw silang papasok sa school nila.

Bigla ay inabutan naman ako ng 4,000 pesos ni Kuya Hideyo na tinanggihan ko kaagad.

"Kuya naman, hindi mo na ako kailangan pang bigyan ng pera. May natitira pa naman akong pera sa wallet ko-"

Kusa nang inilagay ni Kuya Hideyo ang hawak niyang pera sa kamay ko saka nito isinara ang palad ko.

"Kailangan mo 'yan, Adi. Ipambili mo na lang 'yan ng mga kakailanganin ni Blair. Nabigyan ko na rin sina Mama at Lola ng pera kaya para sa'yo na talaga 'yan." Ngumiti siya sa akin at wala na akong ibang nagawa kundi ang tanggapin nalang ang perang ibinigay niya.

"Wala ka bang girlfriend man lang, kuya? 27 years old ka na at dapat sa girlfriend mo na lang inilalaan 'tong pera mo at hindi sa akin." sabi ko.

"Adi, wala pa sa isip ko ang pagkakaroon ng girlfriend dahil gusto ko kayong tulungan na pamilya ko sa lahat ng mga kakailanganin niyo. Ako na rin ang tumatayong ama ni Blair at kargo ko kayong dalawa." mariin namang sabi ni Kuya Hideyo.

Pinigilan kong huwag umiyak sa sinabi niya. Mga bata palang kami ay si Kuya Hideyo na ang gumagawa ng lahat ng responsibilidad ng isang ama. Wala itong reklamo o pagtutol dahil kusa niya iyong ginagawa at hindi na rin iniintindi pa ang sarili niya.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now