Chapter 1

52.1K 1.3K 821
                                    

Mahirap maging batang ina. 16 years old pa lang ay maaga na akong namulat sa responsibilidad bilang isang ina.

Tanging puso lang ang pinairal ko noon at hindi na naisip pa ang pamilya kong umaasa sa akin makapagtapos lang ako ng pag-aaral hanggang sa kolehiyo at makakuha sana ng magandang trabaho.

Bugso ng damdamin.

Masyado akong nagpadala doon at hindi na inalala pa ang mga negatibong komento tungkol sa ex-boyfriend ko noon na ama ng anak kong si Blair na si Leigh Davidson.

Si Leigh ay high school classmate ko noon. May lahi itong half German na kung saan ay German ang Dad nito kaya mestiso ito, may kulay abuhing mga mata, matangkad at sige na nga, gwapo siya! Kumbaga sa balikbayan box ay all in one package na ito.

Iyon nga lang ay ubod ito ng pagkababaero. Tanging magagandang babae lang ang nagiging girlfriends nito sa school namin at hindi naman niya siguro ako papatulan kung hindi ako maganda, hindi ba? Ako kaya ang Muse representative ng buong school namin noon na pambato pa sa mga pageants.

Si Leigh ang nakauna ng lahat sa akin. Alam kong playboy at maloko na talaga siya noon pa man pero hindi pa rin iyon naging hadlang para hindi ako humanga at magkagusto sa kanya.

Noong niligawan niya ako ay sinagot ko na siya kaagad. Nagtagal ng dalawang buwan ang relasyon namin hanggang sa may nangyari sa amin sa loob ng kwarto niya.

Sobrang minahal ko siya na dumating sa puntong pati ang virginity ko ay ibinigay ko na rin sa kanya dahil nagtiwala ako at umasa pa rin na mahal niya ako.

Umasa akong magbabago siya para sa akin, na ako lang ang tanging babaeng magpapatino sa kanya dahil ako ang pinakamatagal niyang naging girlfriend pero nagkakamali pala ako.

"Leigh, buntis ako..." umiiyak kong sambit kay Leigh habang nakaluhod na ako sa harapan niya at nagmamakaawang huwag niya akong iiwan.

Sinabi niyang aalis na sila ng pamilya niya papuntang Germany para doon na manirahan at ipagpatuloy ang pag-aaral niya. May kaya ang pamilya nila pero nag-aaral siya sa public school namin dahil malapit lang doon ang subdivision na tinitirhan nila.

Hindi niya ako pwedeng iwanan ngayon dahil buntis ako at siya ang ama ng ipinagbubuntis ko.

Tumawa lang si Leigh sa sinabi ko at nginisian ako. "Anong gusto mong gawin ko? Panagutan 'yan? Abort it because I don't need a child."

Parang tinarak ng kutsilyo ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Hindi man lang ba niya ako minahal sa loob ng dalawang buwan kaya baliwala lang ako sa kanya at ang magiging anak namin?

"H-hindi ko kayang gawin 'yon, Leigh. Anak natin 'tong nasa sinapupunan ko-"

"Shut up! Will you?  Kung gusto mo edi buhayin mo 'yang bata pero hinding-hindi ko 'yan pananagutan. We're leaving at hindi na kami babalik dito sa Pilipinas!" sigaw ni Leigh sa akin at akmang papasok na ito sa loob ng bahay nila nang hinawakan ko ang kaliwang braso niya at tinignan siya nang may pagmamakaawa.

"Leigh, m-minahal mo ba talaga ako?" tanong ko at hindi na napigilang mapahikbi.

"No. I never love you, Adi. You're just one of my trophy girlfriend. Kung hindi ka lang maganda at sexy ay hindi naman kita papatulan. Sa tingin mo talaga na seryoso ako sa'yo? Nagtagal lang tayo ng two months para inggitin ang mga katropa ko na nagnanasa at nagagandahan sa'yoPlease don't be desperate, okay? Buhayin mo 'yang ipinagbubuntis mo if that's what you want but don't expect me to take the responsibility of your shit!"

The Triplets Addictionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن