Chapter 7

29K 948 358
                                    

Mabuti nalang na sabado ngayon at rest day ko mula sa trabaho ko. Hindi ko na rin muna makikita ang baliw na triplets na iyon na sinabi sa aking manliligaw daw sila (except kay masungit na si Ahmed) at wala pang pakialam ang mga ito noong nalaman nila na may anak na ako.

Seryoso ba talaga sila? Ano iyon, na-love at first sight sila sa akin sa una pa lang? Totoo ba talaga ang ganoon?

Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ba nila ako o ano pero medyo naniniwala naman ako sa kanila na interesado sila sa akin. Sa ganda ko ba namang ito? Pero seryoso nga, hindi naman siguro sila mang-iistalk nang tatlong araw sa akin kung hindi sila nabihag sa alindog ko.

Swerte ba ako dahil may tatlong naggagwapuhang triplets ang umaaligid sa akin- ay hindi pala dahil iyong isa sa triplets na may blue-grayish na mga mata ay ang sungit sa akin at sinabi pang hindi niya ako type.

Kung hindi niya ako type eh mas lalo namang hindi ko rin siya type, no!

At sa tuwing naaalala ko ang ginawang paghalik sa magkabilang palad ko nina Ahnwar at Ahzik ay hindi ko mapigilang mamula at kiligin ng very very slight sa ginawa nila.

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam simula nang una akong ma-inlove kay Leigh. Tila bumabalik ako sa pagka teenager ko na kinikilig at umaasa na magkakaroon ng happy ending ng crush niya.

Fairytale lang pala ang lahat nang sa amin ni Leigh dahil sa huli ay nasaktan lang rin ako nang dahil sa kanya.

Nasa bakuran kami ngayon nila Mama, Haru at Blair. Wala si Kuya Hideyo ngayon dahil may pasok pa rin ito sa trabaho niya kahit sabado. Si Lola Andeng naman ay nagpunta sa simbahan dahil may misa sila doon. Member siya ng choir sa simbahan na malapit lang sa amin.

Gamit ang inflatable swimming pool na pinabombahan ko kanina kay Haru at nilagyan ito ng tubig sa hose ay masayang nagsu-swimming si Blair dito habang nakaalalay kami ni Mama sa kanya.

Lumalaki na ang anak ko at mas nagiging kamukha na ito ni Leigh. Mabuti nalang at maganda ang lahi ng damuhong iyon kaya alam kong lalaking magandang bata si Blair.

Sa kaisipan namang kapag naging ganap na dalaga na si Blair at marami nang manligaw sa kanya ay hindi pa ako handa para doon. Ayoko na masaktan lang siya ng kung sinumang lalake sa oras na mag-entertain siya ng lalakeng manliligaw sa kanya.

Ang kailangan talaga niyang iwasan ay ang mga klase ng lalake na katulad ng daddy niya. Kailangan niya munang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho bago ito pumasok sa isang relasyon.

"Haru, sino ba iyang katext mo at panay ang pagpindot mo sa cellphone mong iyan?" tanong ni Mama kay Haru na busy sa isang sulok habang nakangiti ito at mukha ngang may katext sa android cellphone niyang bigay ni Kuya Hideyo sa kanya.

"Secret, ma." tanging sagot ni Haru kaya pinaningkitan ko ito ng mata.

"Si Eiselle ba 'yang katext mo, Haru?" seryoso kong tanong dahilan para mamula ang mukha ni Haru doon at umiling ito ng paulit-ulit.

Huli pero hindi kulong.

"H-hindi, ah! Si N-Noah kaya ang katext ko at may tinanong lang siya sa'kin sa text kaya nirereplayan ko siya." nauutal niyang sabi at tunog defensive na iyon kaya alam kong nagsisinungaling lang siya.

"Ay sos! Si Eiselle lang pala ang katext mo, bunso. Boto naman ako sa batang iyon para sa iyo dahil katulad ng kapatid niyang si Nikolai ay napakabait rin nun. Basta't pag-aaral lang ang unang prioridad niyo ay ayos lang sa akin kung maging gerlpren mo man siya, anak." nakangiting sabi ni Mama at mas lalo pang namula na parang kamatis ang mukha ni Haru doon.

The Triplets AddictionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant