Chapter 13

24.8K 856 501
                                    

Ahzik

"Aso ka ba ni Kyrie kaya palagi ka nalang sunod ng sunod sa kanya?" I asked Ahmed while I'm raising my eyebrow.

Natigil siya sa pagtipa sa laptop niya nang dahil sa sinabi ko. I'm in his office right now at kakatapos lang ng board meeting ko kasama si Dad at ng iba pang mga clients namin.

Ahmed look at me with his infamous blank stare. "What do you mean?" he asked.

I crossed my arms and smirked at him. "Ahmed, you know that Kyrie likes Jianna Adiel. We're courting Jianna pero 'yang bestfriend mo ay kulang nalang na magtransfrom bilang ampalaya dahil bitter siya sa amin. Can you at least talk to him and say na wala siyang pag-asa kay Jianna?" sabi ko.

Recently lang namin nalaman ni Ahnwar na ang Adi na tinutukoy ni Kyrie na girlfriend daw niya at naging love at first sight niya ay ang Jianna pala namin ni Ahnwar.

Ahmed is brutally honest at inamin niya iyon sa amin. Pinakiusapan niya pa kami na dapat raw na i-consider rin namin ang nararamdaman ni Kyrie para hindi ito masaktan.

Is he serious? Bakit naman namin gagawin iyon ni Ahnwar? Kyrie had a rough childhood and his father was abusing him physically but it doesn't mean na dapat rin namin ikonsidera ang nararamdaman niya pagdating kay Jianna.

For heck sake! He's 2 years older than us at dapat lang na umakto siyang mas matured sa amin pero kabaligtaran pa yata iyon dahil mas nagpapaka matured pa si Ahmed kaysa sa kanya.

Ahmed sighed at hinilot nito ang sintido niya. "He likes her, Ahzik. Alam naman natin na-"

"Oh c'mon, Ahmed! Huwag mong idahilan sa akin 'yang hindi perperkto niyang pamilya para magpakabitter siya na nililigawan na namin si Jianna. Jianna gave us a chance to court her at wala nang magagawa si Kyrie do'n." I hissed.

"I'd already talked to him about that but he's not listening to me. Sabihin niyo nang para akong aso na palaging bumubuntot kay Kyrie but I'm only his friend and the only one who can understand him aside from Tita Emily. I hope you will understand me, Ahzik." he sighed again.

Ito ang ayaw ko kay Ahmed, masyado siyang mabait at maunawain pagdating kay Kyrie. Sometimes, Kyrie is not acting right but Ahmed can still understand his immature behavior.

Ngayon na pagdating na kay Jianna ang usapan, I swear to God na lalabanan ko si Kyrie kahit na makalaban ko pa doon si Ahmed.

I shook my head. "I understand you but this is too much. Pwede bang kahit ngayon lang ay magpaka-kapatid ka naman sa amin ni Ahnwar? We are triplets but you're more closer with Kyrie than us." mapait kong sabi.

Doon ay napayuko si Ahmed at hindi na malaman ang sasabihin niya. I intently look at him. I can sense something weird about him at sa tuwing kaharap rin niya si Jianna.

"I'm sorry,"

That's all he can say to me. I can't believe this!

Si Kyrie pa rin ang kinakampihan niya kaysa sa amin ni Ahnwar na kapatid niya. We're running the same features and blood pero mas matimbang pa rin sa kanya ang gago at immature niyang bestfriend. Fuck!

"Don't talk to me again." malamig kong sabi at pagkatapos ay lumabas na ako sa loob ng opisina niya.

I can't help but to kick the door outside of his office pagkalabas ko at napalingon pa sa akin ang iilang mga empleyado sa loob ng kompanya namin pero hindi ko nalang sila pinansin pa.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now