Chapter 38

20.1K 634 273
                                    

Ilang beses na akong napapabuntong-hininga habang pinagmamasdan ko ang pag-agos ng tubig mula sa ilog na tinitignan ko magmula pa kaninang umaga. Gusto ko ng tahimik na lugar at dito na muna ako sa may ilog naglagi.

Sa nakalipas na tatlong buwan ay maraming mga nangyaring hindi ko inaasahan. Bigla na lang nag-iba ang takbo ng buhay ko, sakit na ilang beses kong kinimkim at galit na hindi ko na napigilan pang ilabas.

Pagkatapos akong kausapin ng triplets tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan ay nakaramdam ako ng matinding konsensya dahil ang akala ko ay sila lang ang may pagkakasala sa amin ngunit nagkakamali pala ako.

Nang dahil sa bugso ng galit at sakit na naramdaman ko ay nagtaksil ako sa magkakapatid at halos hindi ako pinatulog ng konsensya ko nang dahil doon. May nagawa silang kasalanan sa akin pero dahil hindi rin nila ginusto iyon.

Hindi ko na maibabalik pa sa dati ang lahat. Pinagsamantalahan ako ng taong ang akala ko ay ituturing rin akong pamilya niya pero nagkakamali pala ako dahil siya mismo ang bumaboy at sumira sa pagkatao ko.

Hinanap ko ang comfort na gusto ko sa mga lalakeng matagal nang may gusto at pagnanasa sa akin at napabayaan ko pa ang sariling anak ko nang dahil sa mga maling naging desisyon ko.

Malaki man ang pagkakasala ko sa kanila ay pinatawad pa rin nila ako at binigyan ng panahon para makapag isip-isip.

Nandito ako ngayon sa probinsya ng San Mariano at muling binalikan ang naiwang bahay ni Nikolai na isa palang base ng fraternity nila ni Kuya Jeddaih at ng mga kaibigan niya. Kasama ko dito sila Blair, Mama, Lola at Haru at isang linggo na kaming nandito.

Sa loob ng isang linggong pagbabakasyon namin dito ay kahit papaano'y napanatag muna ang puso't-isipan ko sa mga problemang kinakaharap ko ngayon. Nakatulong ang sariwang hangin, maganda at malinis na kapaligiran ng San Mariano para sa akin.

Ang buong akala ko ay namatay na si Kuya Hideyo ngunit hindi pala. Pinalabas lang ni Ahmed na pinatay niya ito pero ang totoo ay nakakulong lang ito sa isa sa mga malaking city jail ng Maynila. Binalak niyang patayin si Kuya Hideyo pero hindi niya tuluyang nagawa dahil ang damdamin ko ang iniisip niya.

Dinurog at binaboy man ni Kuya Hideyo ang pagkatao ko ay ayokong umabot sa punto na mamamatay siya. Gusto ko na pagbayaran nito ang ginawa niya sa akin sa loob ng kulungan na walang pagkitil ng buhay ang magaganap.

Hindi masamang pumatay ng isang tao lalo na kung may malaki itong pagkakasala ngunit hindi ko iyon makakaya dahil ako pa rin pala ang dating Adi na malambot ang puso at iniisip na ang Diyos lang ang pwedeng pumataw ng parusa sa mga nagkakasala sa kanya.

Habang may malalim akong iniisip ay nakita ko si lola na naglalakad papalapit sa akin habang nakangiti ito at pagkatapos ay umupo siya sa batong inuupuan ko.

"Kumain ka na, apo. Nagluto kami ng Mama mo ng paborito niyong pinakbet ni Haru." pag-aalok sa akin ni Lola.

"Mamaya na po ako kakain." magalang kong sabi at muling pinagmasdan ang ilog na nasa harapan namin.

"Maganda pala dito sa probinsya ng San Mariano, ano? Kaya alam kong napamahal ka na rin sa lugar na ito na pinagdalhan sa'yo nina Nikolai at Jeddaih." nakangiting saad ni Lola.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Kahit na nagawa nila akong dukutin at dalhin dito ay hindi pa rin po ako nagsisising makilala ang probinsyang ito. Nagkaroon na rin po ako ng kaibigan dito at 'yon ay si Gelyn." sabi ko.

Nang makausap ko si Gelyn kanina ay humingi siya ng tawad sa akin sa pagtatago ng sikreto tungkol sa tunay kong pagkatao. Nakakulong ngayon ang nobyo niyang si Goyong sa San Mariano Province Jail kasama doon sila Nikolai, Kuya Jeddaih at ang iba pang mga kaibigan nila.

The Triplets AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon