Chapter 11

23.2K 782 349
                                    

"I thought that I'm just hallucinating. I thought that you're just in my dream destroying my fantasy but I'm not. I'm in the reality and I can't believe that you're now in front of me..."

Ilang beses ko nang ipinilig ang ulo dahil naaalala ko pa rin ang sinabi sa akin ni Ahmed na halos hindi na ako pinatulog.

Ano ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Lyrics rin ba iyon ng kanta? Pero bakit parang may laman iyon at may ibang kahulugan?

Hindi ko na naitanong pa sa kanya kung bakit niya sinabi iyon. Pagkatapos nun ay kaagad nalang siyang umalis at iniwan akong nagtataka sa sinabi niya.

Ang weird talaga ng lalakeng iyon kahit na kailan! Malayong-malayo talaga ang personalidad niya kina Ahnwar at Ahzik na madali lang basahin. Ni hindi ko pa nakita iyon na ngumiti man lang.

Bakit kaya naiiba siya sa dalawang kapatid niya? May hindi ba siya magandang childhood kaya iba ang personalidad niya kumpara sa dalawa niyang mga kapatid?

Bakit ko nga ba pinoproblema si Ahmed? Ang dapat ko nga palang problemahin ay kung paano ko makakausap si Nikolai na obvious na talagang iniiwasan ako. Mabuti na lang at day off ko ngayon sa trabaho ko at busy naman sina Ahnwar at Ahzik sa trabaho rin nila kaya may oras ako para puntahan at makausap si Nikolai.

Hindi talaga mapanatag ang loob ko hangga't hindi kami nagkakaayos kung may galit o tampo man siya sa akin dahil nanliligaw na ang dalawa sa triplets.

Isinama nina Mama at Lola si Blair sa tapat ng elementary school kung saan kami nag-aral noon na magkakapatid dahil magbebenta sila ng mga kakanin ngayon. Si Haru ay pumasok na sa pinapasukan niyang public school samantalang si Kuya Hideyo naman ay pumasok na sa trabaho niya.

Ako lang ang mag-isa ngayon sa bahay at nagtext nalang ako kay Mama na aalis muna ako saglit para puntahan si Nikolai sa bahay nila. Sinabi sa akin ni Eiselle sa text na nasa bahay raw nila ang kuya niya habang nasa school naman sila ni Cristina kaya ito na siguro ang tamang pagkakataon para makausap ko ng masinsinan si Nikolai.

Nang matapos na akong mag-ayos ay lumabas na ako sa loob ng kwarto namin ni Blair. Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang makita ko si Leigh na nakaupo sa sofa ng sala namin.

Nakita ko rin ang iilang mga paperbags at mga order ng pagkain mula sa isang kilalang restaurant na nakalagay sa ibabaw ng lamesa namin.

Ngumiti si Leigh sa akin nang lumapit ako sa kanya. Para bang hindi niya alintana na halos mag-eskandalo na siya sa loob ng mall noong magbonding kami ni Blair kasama si Nikolai.

"Hi. I'm sorry kung ngayon lang ako nakabisita dito. I've been busy these days dahil isa na ako sa namamahala sa shoe factory business ni Dad dito sa Pilipinas. Where's my daughter, Blair? I bought expensive toys for her." sabi niya at nilibot pa ng tingin ang buong bahay namin para hanapin si Blair.

Gusto kong magtaray sa harapan ni Leigh pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Kailangan ko pa rin siyang pakisamahan ng maayos kahit hindi maganda ang pagkikita namin noong huli sa loob ng mall.

Para kay Blair ay magpapakabait ako sa lalakeng ito.

"Kasama siya nina Mama at Lola sa may elementary school. Alam mong nagtitinda ng kakanin ang mga magulang ko noon palang, hindi ba? Isinasama nila si Blair sa pagtitinda dahil walang magbabantay sa bata dito sa bahay." sabi ko.

Sarkastiko namang tumawa si Leigh na ikinakunot ng noo ko. "What? Sinasama nila ang anak ko sa pagtitinda nila? It's hot outside. Paano nalang kung masunog ang balat ni Blair at-"

"Hindi hahayaan nina Mama at Lola na mangyari iyon. May iba ka pa bang kailangan? Aalis ako ngayon. Salamat nalang sa mga binigay mo. Pwede ka namang bumalik dito mamayang gabi para puntahan ulit si Blair." pagputol ko sa sinasabi ni Leigh.

The Triplets AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon