Chapter 5

29.5K 930 402
                                    

Sa mga sumunod na araw ay naging payapa naman ang buhay ko. Hindi ako ginugulo ni Leigh ngayon kahit alam kong nandito pa rin siya sa Pilipinas. Pero hindi pa rin panatag ang loob ko doon, naaalala ko pa rin ang huling sinabi niya sa akin na kukunin niya kami ni Blair. Hindi ako makakapayag doon at kahit na kailan ay hindi na ako babalik sa kanya.

Nang malaman ni Kuya Hideyo na nagpunta sina Leigh at Laarni sa bahay namin ay hatid-sundo na niya ako sa trabaho ko. Minsan kapag may oras si Nikolai ay siya rin ang naghahatid-sundo sa akin. Alam kong pinoprotektahan lang nila ako at baka bigla na lang sumulpot sa kung saan si Leigh at dukutin pa ako.

Ang lalakeng iyon talaga! Wala ba siyang ni katiting na konsensyang nararamdaman matapos niya akong iwanan at itanggi si Blair bilang anak niya? Sinabi pa nga niyang ipalaglag ko ang bata pero hindi ko ginawa.

Kung umakto siya ngayon ay parang wala siyang naging kasalanan sa amin. Limang taon na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagbabago. Wala na talagang pag-asa ang isang iyon.

"Hindi ako mag-oovertime sa trabaho ko mamaya. Susunduin kita dito pagkatapos ng duty mo." paalala ni Kuya Hideyo nang nasa tapat na kami ng Supermarket na pinagtatrabauhan ko.

Hinalikan muna niya ako sa noo bago ako tumango sa sinabi niya. "Mag-iingat ka, kuya." sabi ko naman.

Ngumiti lang siya sa akin at pagkatapos nun ay umalis na siya.

Napansin ko naman ang iilang taong nakikiusyoso sa amin sa labas ng Supermarket at kabilang na doon ang tatlong matatangkad at nag-gagwapuhang triplets na nakatayo sa tabi ng nakaparadang kotse nila sa parking lot.

Seryoso ang ekspresyon ng mga mukha nila habang nakatitig sa akin habang ako naman ay kaagad umiwas ng tingin sa kanila. Hindi ko matagalan ang pagtitig nila sa akin dahil sa nakaka-intimidate nilang mga awra.

Marahil ay nagpark lang ang mga ito sa parking lot ng Supermarket dahil mukha namang hindi pa sila nakakapasok sa loob. Alas siyete palang ng umaga at kakaunti pa lang ang mga taong dumarating sa supermarket para mamili.

Inayos ko na lang ang dala kong bag at pumasok na sa loob ng Supermarket. Hindi ko naman maiwasang isipin ulit ang gwapong mga mukha ng triplets na iyon lalo na iyong lalakeng may kulay blueish-grey na mga mata.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at inayos ang sarili ko. Ilang saglit pa ay dumating na rin sina Iska at Jiro maging pati na rin sila Jose at ang iba pa naming mga katrabaho. Mga bandang 7:30 ay nag-umpisa na rin kaming magtrabaho nang may padating nang mga customers at kabilang na doon ang triplets na pumasok na sa loob ng Supermarket.

Nakarinig na lang ako ng pagtili mula kila Iska at sa iba pa naming mga katrabahong babae na nasa cashier counter nang mapansin nila ang triplets.

"Hala? Ang popogi naman ng triplets na 'yan! Mga artista ba 'yan? Bakit parang ngayon ko lang sila nakita dito?" kinikilig na bulong sa akin ni Iska nang pumasok na ang triplets sa may grocery haul at mukhang may hinahanap sila.

Nahuli ko pa ang iba naming mga katrabahong babae na pasimpleng pinipicturan ang triplets. Nako! Kapag nahuli talaga sila ng manager namin sa ginagawa nila ay siguradong mapapagalitan sila nun!

"Baka hindi sila tagarito at dayo lang." sabi ko naman.

"Girl! Nakatingin sila dito sa atin! Kinikilig ako my goodness!" halos mangisay na si Iska sa kilig habang sinasabi niya iyon.

Nang tinignan ko ang triplets ay nahuli kong nakatingin nga sila dito sa direksyon namin at mukhang ako ang tinitignan nila.

Ano kayang problema ng mga 'to? Kahit mga gwapo pa sila at may yummy na pangangatawan ay nakakatakot pa rin na tinitignan o tititigan ka ng mga taong ngayon mo lang nakita sa tanang buhay mo.

The Triplets AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon