Chapter 23

19.8K 632 329
                                    

"Tangina? Tama ba 'tong naririnig ko? Boyfriend mo na si Ahmed?" gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Ahnwar habang nakatingin ito sa amin ni Ahmed ng masama.

"Tama tayo ng narinig, bro, at ang kapatid natin na sa una ay wala raw gusto kay Jianna ay sumasalisi na pala habang nagpapaka-busy tayo sa trabaho natin. Wow!" nakangisi ngunit may bahid ng pagkainis naman na saad ni Ahzik.

Alam ko na ito ang magiging reaksyon nina Ahnwar at Ahzik kapag inamin namin ni Ahmed sa kanila na magkarelasyon na kami. Kahit ako nga ay hindi rin makapaniwala sa nangyayaring ito pero pursigido talaga si Ahmed sa akin at ayaw na niyang bawiin ko ang sinabi ko sa kanya na boyfriend ko na siya.

"If there's a three of us who's deserving for Adi then it's me. I'm Blair's biological father and I love Adi, too since the first time I saw her five years ago." seryosong ani Ahmed dahilan para kumalabog na naman ang puso ko.

Hindi na talaga siya nahihiyang sabihin ang nararamdaman niya para sa akin kahit pa sa mga kapatid niya o sa harap ng pamilya niyang kanina pa nakikinig sa amin. Nakangiti ang mga ito na para bang ayos lang sa kanila kung maging boyfriend ko ang triplets.

Ang akala ko nga ay tututol sila dahil boyfriend ko na nga sina Ahnwar at Ahzik tapos magiging boyfriend ko pa si Ahmed pero nagkakamali pala ako dahil mukhang gusto nila ang ideya na maging boyfriend ko ang triplets.

"So, you're using that to get Jianna from us? You're playing dirty, Ahmed!" galit na sabi ni Ahnwar nang nakatiim-bagang.

"Stop it, Ahnwar!" pagsuway naman ni Tito Trevor sa anak niya kaya natahimik na si Ahnwar at humalukipkip nalang ito habang nakatingin pa rin ng masama kay Ahmed.

"Kayo naman, oh? Bakit ba hindi nalang kayong magkasundong triplets para kina Jianna at Blair? Kung makabubuti naman 'yang polyamorous relationship niyong apat ay dapat hindi niyo na pinagtatalunan 'yan. Ayos lang naman siguro kay Jianna na apat kayo sa iisang relasyon katulad rin ng sa amin." nakangiting sabi ni Tito Ran saka ito bumaling sa akin.

Ngumiti nalang ako at hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Masyadong mabilis ang lahat ng pangyayaring ito pero hindi ko na mababawi pa ang pagsagot ko bilang boyfriend ko na si Ahmed.

"Oo nga naman, Kuya Ahnwar at Ahzik. Tama si Dad Ran. Magiging masaya rin si baby Blair kung may tatlo siyang Dada na magkakamukha." tumatawang sabi ni Ryder na inakbayan lang ni Tito Ran.

"Tatlo Dada ko? Yehey!" pumalakpak bigla si Blair habang karga ito ni Tita Rica kaya hindi namin mapigilang matawa at mapangiti sa ginawa niya.

"See? Mas gusto ni Blair ng maraming Dada kaya don't act like a brat, Ahnwar and Ahzik." nakangising sabi ni Tito Wenhan sa dalawang magkapatid.

Bumaling naman si Ahzik kay Ahnwar na inirapan lang siya bago ito bumuntong-hininga.

"Fine! But don't expect me to accept this kind of situation in this fast state. Tsk!" masungit na ani Ahnwar at pagkatapos ay nagwalk out na ito sa harapan namin.

Natahimik naman kami sa pag-alis ni Ahnwar pero bigla ring nagsalita kaagad si Ahzik.

"He's just mad and disappointed. Kami kasi ang unang gumawa ng hakbang para mapalapit kay Jianna at nanligaw pa kami ng ilang linggo sa kanya pero pagdating kay Ahmed ay naging sila na kaagad. That's the reason why Ahnwar were acting this way." Tumingin sa akin si Ahzik at nakikita ko ang disappointment sa mga mata nito.

Napayuko nalang ako dahil hindi ko sila masisisi ni Ahnwar kung bakit sila galit at disappointed sa akin pero wala akong magawa doon, gusto ko si Ahmed at sinagot ko na siya.

"It doesn't matter. I want to be a responsible man for Adi and Blair. Ito na ang panahon para makabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa kanila nang limang taon and I won't waste this chance just because you and Ahnwar doesn't like the idea that I'm also Adi's boyfriend." mariing sabi ni Ahmed kay Ahzik na hindi na sumagot pa sa sinabi niya.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now