Chapter 36

20.5K 637 734
                                    

Warning SPG: Forced / Violence

This is very different twist on what I'd wrote before. My story were meant in real life happening. Not all characters were perfect in their own way.

Dedicated to kryzzxx eamara_slene Cathybitchy Lk121306

Isang buwan na ang nakakalipas at masaya ako ngayon sa buhay pamilya ko kasama ang triplets at si Blair. Kahit abala man sa trabaho ang magkakapatid ay hindi pa rin sila nawawalan ng oras para sa aming mag-ina.

Tuluyan nang nanumbalik ang mga ala-ala ko at hindi na rin ako nahihirapan pa para alalahanin ang lahat tungkol sa pagkatao ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Doctor Salcedo dahil sa mga naitulong niya sa akin para bumuti na ang lagay ko.

Paminsan-minsan ay pumupunta pa rin ang pamilya ko dito sa mansyon para lang bisitahin ako. Kapag nagpupunta sila ay napapansin kong hindi sumasama si Kuya Hideyo sa kanila.

Tinanong ko sina Mama at Lola kung bakit ngunit hindi rin nila alam ang dahilan. Hindi na masyadong abala si Kuya Hideyo sa kaniyang trabaho dahil tumaas na ang posisyon niya roon pero kapag may libreng oras siya ay nagkukulong lang raw ito sa loob ng kaniyang kwarto at natutulog ng buong maghapon doon.

Alam na ba niya ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya?

Abala ngayon ang triplets sa pagtatrabaho at ako na ang naghatid kay Blair sa school niya kasama ang family driver namin. Pagkauwi ko ay inabala ko ang sarili ko sa paggawa ng project ni Blair na kailangan na niyang ipasa bukas sa teacher niya.

Pagkatapos kong gawin ang project ni Blair ay tinawag ako ng isa sa mga katulong ng mansyon dahil nasa sala raw si Kuya Hideyo at gusto akong makausap.

Nang malaman ko iyon ay kaagad akong nag-ayos ng sarili ko at bumaba mula sa loob ng kwarto ko. Pagkarating ko sa sala ay nakita ko si Kuya Hideyo na nakaupo sa sofa at marahang sinusuklay ang magulo niyang buhok.

Nakasuot ito ngayon ng itim na plain t-shirt, pantalon at rubber shoes. Nang lumapit ako sa kanya ay tumayo siya mula sa kinauupuan niyang sofa at ngumiti ito.

Namumula ang mga mata at buong mukha ni Kuya Hideyo. Naaamoy ko rin ang alak sa hininga niya at amoy sigarilyo rin siya.

"Gusto sana kitang makausap ngayon, Adi. Kung ayos lang 'yon sa'yo." sabi niya sa akin.

Tumango naman ako. "Ayos ka lang ba, Kuya? Bakit hindi mo na ako pinupuntahan dito?" nag-aalalang tanong ko.

"Sasagutin ko 'yan pero umalis muna tayo dito at sa ibang lugar tayo na mag-usap." aniya at hinila na ako papalabas sa loob ng mansyon.

Nagpatangay nalang ako kay Kuya Hideyo hanggang sa makalabas na kami ng mansyon. Dala niya ang kaniyang bagong biling motor saka niya ako pinasakay dito.

"Saan tayo pupunta, kuya?"

Ngumiti naman siya sa akin nang inumpisahan na niyang paandarin ang motor niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

Hindi nalang ako umimik habang nasa biyahe kami. Wala kaming suot na helmet kaya medyo kinakabahan rin ako at baka maaksidente pa kami.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang inihinto na ni Kuya Hideyo ang motor nito sa parking space ng isang hotel.

"Anong ginagawa natin dito, kuya?" tanong ko kay Kuya Hideyo pagkababa namin sa motor niya.

"Dito tayo mag-uusap, Adi. Sa hotel lang ang magandang lugar para makapag-usap tayo ng masinsinan." mariin niyang sabi.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now