Chapter 10

27.4K 871 583
                                    

Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang magpunta kami nina Blair at Nikolai sa mansyon ng Dela Vega Triplets para maki-celebrate ng birthday party ng kababata nilang kapatid na si Danielle at isang linggo na rin akong nililigawan nina Ahnwar at Ahzik.

Hindi ko lang talaga inaasahan na wala pang halos isang araw ay nakasundo na kaagad nila sila Mama Encar, Lola Andeng, Haru at Kuya Hideyo.

Yes na yes mga beh! Pati ang panganay kong kapatid ay kasundo na rin sina Ahnwar at Ahzik at kahapon lang ay niyaya pa sila ni Kuya Hideyo na mag-inuman sa bakuran ng bahay namin.

Paano kaya nangyari na kaagad nakuha nina Anhwar at Ahzik ang tiwala ng buong pamilya ko? Alam naman nila ang history ko kay Leigh pero bakit ngayon ay kulang na lang ay ipamigay nila ako sa dalawa sa triplets?

Sa loob ng isang linggo ay walang inatupag sina Ahnwar at Ahzik kundi ang ligawan ako. Halos mapuno na rin ang loob ng kwarto namin ni Blair ng mga groceries, chocolates at laruan ni Blair na ibinibigay nila sa amin.

Kung magbibigay sila aba dapat ay grocery na at ako ang nagrequest nun. Aanhin ko naman ang mga bulaklak na ilang araw o linggo ay pwede nang malanta kung nakaligtaan mo iyong diligan?

Kailangan na maging praktikal siyempre kung gagastos rin naman sila. Hindi naman sila magpapapigil sa ginagawa nila saka mayaman naman sila at ang auntie at uncle pa pala nila ang may-ari ng pinagtatrabauhan kong Supermarket kaya kumbaga sukli lang ang gastos ng groceries na ibinibigay nila para sa akin.

Ang mga kaibigan kong sina Iska at Jiro ay gulantang na gulantang nang makitang hinahatid-sundo ako nina Ahnwar at Ahzik sa trabaho namin. Sinabi ko ang totoo sa kanila na nililigawan na ako ng magkapatid na mas lalo pa nilang hindi inaasahan.

Parang noon lang kasi ay napapansin pa namin ang tatlong araw na stalker mode nina Ahnwar at Ahzik sa Supermarket tapos bigla nalang malalaman nina Iska at Jiro na nanliligaw na ang mga ito sa akin.

Inulan nila ako ng tanong nang malaman nila iyon at sinagot ko naman ito. Si Iska ay medyo jelly raw sa akin dahil nililigawan na ako ng natipuhan niyang si Ahzik pero masaya na rin naman raw siya at nanliligaw na sa akin ang crush niya.

Si Jose naman ay natigil na rin ang pangungulit sa akin nang mapansin ang panliligaw nina Ahnwar at Ahzik. Mukhang nathreat ang lolo niyo sa kanila dahil nalaman rin ni Jose na pamangkin ng may-ari ang magkapatid sa pinagtatrabauhan naming Supermarket.

Linggo ngayon at kakatapos lang naming magsimba na buong pamilya. Kasama na rin doon sina Ahnwar at Ahzik na salitan ang pag-babysit kay Blair. Pumapasok pa rin ang dalawa sa mga trabaho nila pero may tamang laan ng oras pa rin ang mga ito para sa panliligaw nila sa akin.

Alam naman kasi nina Ma'am Rica at Sir Trevor na nililigawan ako ng mga anak nila at sa kompanya lang rin nila nagtatrabaho ang mga ito kaya hawak rin ng magkapatid ang oras nila.

"Gusto ko po Jollibee, Dada!" Request ni Blair kay Ahzik pagkalabas namin sa loob ng simbahan. Karga naman nito si Blair.

Dada na ang tawag ni Blair sa magkapatid dahil may Papa at Daddy na itong tinatawag.

Napangiti kami dahil sa request ng anak ko maging pati si Kuya Hideyo na minsan lang namin makasama dahil palagi itong abala sa trabaho niya ay napangiti rin sa sinabi ni Blair.

"Let's buy a branch of Jollibee, Ahnwar near in their house so that Blair will always eat on that fast food restaurant?" seryosong tanong ni Ahzik kay Ahnwar na ikinalaki ng mga mata ko.

Walang halong pagbibiro iyon nang tinanong ito ni Ahzik kay Ahnwar. Si Ahnwar naman ay kaagad tumango sa sinabi niya.

Seryoso? Bibilhin nila ang isang branch ng Jollibee para kay Blair?

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now