Chapter 25

19.3K 619 321
                                    

After 3 years...

Nandito ako ngayon sa may ilog kasama ang best friend kong si Gelyn at naglalaba kami ng mga labahin na naipon namin nang halos isang linggo. Mas marami nga lang akong nilalabhan dahil nilabhan ko na rin ang mga damit ni Francis, pati ang mga damit na ginagamit niya sa pagtatrabaho sa talyer ay nilabhan ko na rin.

"Best, hindi ka ba talaga papayagan ni Francis na pumunta sa bayan mamaya? Sayang naman at may kainin at program na magaganap doon. Fiesta pa man din dito sa San Mariano." sabi ni Gelyn habang nagkukusot ito ng mga damit niyang de kolor.

"Kilala mo naman 'yung asawa ko, Gelyn. Hindi 'yon papayag na umalis ako hangga't hindi rin siya kasama." malungkot ko namang sabi na ikinailing nalang ni Gelyn.

"Hay nako, Aliyah! Sa sobrang bait, ganda at sexy mo ay masyado nang naging super possessive 'yang asawa mo. Ilang taon ka na ba? 24 ka pa lang, hindi ba? Kahit mag-asawa na kayo ay kailangan mo pa ring ilibang 'yang sarili mo at hindi 'yung palagi ka nalang niyang ikinukulong sa bahay ninyo." sabi ni Gelyn na tila dismayado sa pagtanggi ko sa paanyaya niya.

Si Gelyn ay mas matanda sa akin ng limang taon. Naging best friend ko na ito simula nang tumira kami ni Francis dito sa San Mariano tatlong taon na ang nakakalipas. Nobyo niya ang isa sa mga kaibigan nila Francis at Kuya Jeddaih na si Goyong. Magandang babae si Gelyn at may itsura naman si Goyong kaya bagay sila.

Malapit lang ang bahay nila Gelyn sa tinitirhan namin. Katulad namin nila Francis ay mahirap lang rin ang pamumuhay nila. May dalawa itong kapatid na lalakeng kambal na kasing edad ko lang at may bunso naman itong kapatid na babae. Magkatrabaho sina Francis at Goyong sa talyer na pinapasukan nila sa bayan kaya sabay na rin nakakauwi ang mga ito sa tuwing tapos na sila sa trabaho nila.

"Alam kong pinoprotektahan lang ako ni Francis, Gelyn. Ang sabi nga niya ay naaksidente kami noon sa may daan at nagka head injury ako kaya baka natatakot lang siyang mapahamak ulit ako nang wala sa tabi niya." sabi ko naman.

"Ako naman ang kasama mo kaya mapoprotektahan kita saka hindi naman tayo lalayo dahil diyan lang naman tayo sa bayan ng San Mariano. Gusto ko rin makita ang gwapong Governor natin na si Governor Dean Sandoval sa may plaza!" kinikilig na sambit ni Gelyn na ikinangiti ko nalang.

Si Governor Dean Sandoval ay parang matinee idol raw sa angking kagwapuhan nito. Nasa mid-20's lang rin daw ang edad nito at wala pang nobya o asawa. Hindi ko pa nakikita si Governor Sandoval pero base sa ikwinuwento sa akin ni Gelyn ay gwapo at matipuno raw ang Governor namin dito sa San Mariano.

"Sige, kukumbinsihin ko mamaya si Francis na kung pwede ba akong sumama sa'yo mamaya sa bayan. Sana nga lang ay pumayag siya." napabuntong-hininga ako matapos kong banlawan ang huling batch ng mga damit ni Francis na nilalabhan ko.

"Yes! Thank you, best friend! I love you na talaga!" niyakap pa ako saglit ni Gelyn kahit basa pa ang mga kamay niya kaya nabasa na rin ang suot kong damit.

Natawa nalang ako sa ginawa niya. Maliligo nalang rin ulit ako mamaya sa bahay. Pagkatapos naming maglaba ni Gelyn ay umuwi na rin kami sa mga bahay namin. May dala akong dalawang timba na puno ng mga nilabhan kong damit at nakalagay rin doon ang ginamit kong tabla, detergent powder at bareta.

Humiwalay na si Gelyn sa akin at tumawid na ito sa kabilang daan kung saan nandoon ang bahay nila. Ibinilin niya rin sa akin na kung papayagan ako ni Francis na pumunta sa bayan mamaya ay magtext nalang raw ako sa kanya.

Wala akong kahit anumang gadget at si Francis lang ang mayroon kaya sa kanya ako makikitext. Hindi niya ako pinapayagang gumamit ng cellphone dahil hindi raw ito makabubuti sa pagkakaroon ko na noon ng head injury. Baka mas lalo raw kasing lumala ang kondisyon ko kung magkakaroon ako ng cellphone kaya naiintindihan ko siya sa parteng iyon.

The Triplets AddictionМесто, где живут истории. Откройте их для себя