Chapter 15

22.7K 891 525
                                    

Napapansin ko na kanina pa mariin ang titig nina Ahnwar at Ahzik kay Ahmed habang nandito kami ngayon sa dagat para sa huling araw na bakasyon namin dito sa beach resort sa Subic, Zambales.

Nalaman na kahapon ng dalawang magkapatid ang ginawa ni Leigh sa akin at maging pati na rin ang ginawang pambubugbog ni Ahmed kay Leigh.

Ngayon ay may plano yatang magsampa ng kaso ang mga magulang ni Leigh laban kay Ahmed at iyon ang ikinakabahala nina Tita Rica at Tito Trevor pero si Ahmed ay tila wala namang pakialam doon at kung titignan siya ay hindi niya iyon alintana.

Hindi ko na magawang makapagtanong kay Ahmed kung bakit kailangan pa niyang bugbugin si Leigh para lang pigilan ang pagtatangka nito sa akin ng masama. Pwede naman niyang awatin ang pinsan niya pero bakit kailangan niya pa itong saktan?

Tahimik lang si Ahmed pero hindi ko inaasahan na sobrang nakakatakot pala ito kapag nagagalit. Para siyang si Kuya Hideyo na kapag sumabog na sa galit ay nawawala na rin sa sarili mailabas lang ang lahat ng galit na nararamdaman niya.

Pero ganoon pa man ay nagpapasalamat pa rin ako kay Ahmed dahil nailigtas niya ako mula kay Leigh. Kung hindi siya dumating kaagad noong gabing iyon malamang ay naituloy na ni Leigh ang binabalak niya sa aking masama.

"You'd almost kill Leigh and his family wants to put you in jail." seryosong sabi ni Ahnwar kay Ahmed na tahimik lang na lumalangoy sa mababaw na parte ng dagat.

"I don't care." tanging sagot ni Ahmed saka ito umahon sa dagat at umupo sa may buhanginan.

"Well, tama lang kay Leigh ang ginawa mo dahil sa ginawa niya sa baby namin. If I'm in your position too, I'll do the same." nakangiti namang sabi ni Ahzik at inakbayan ako nito. Namula at napayuko naman ako dahil sa sinabi niya.

"Dumating pa talaga sila dito kahapon kasama sina Kyrie at Laarni, huh? Halatang may masamang binabalak talaga ang mga 'yon dahil nalaman nilang nandito tayo. Tsk!" umiling si Ahnwar at umupo na ito sa tabi ko.

Tinignan ko si Blair na karga ni Haru kasama sila Eiselle, Cristina at Noah na nagsu-swimming rin sa mababang parte ng dagat. Sila Nikolai, Kuya Hideyo, Mama at Lola naman ay nasa cottage namin at nagkukwentuhan ang mga ito.

"They want to ruin our vacation and Leigh did it." madiing sambit ni Ahzik saka ito nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Napakagat-labi nalang ako dahil mukhang iyon nga ang ginagawa ni Leigh dahil hindi niya matanggap na nililigawan na ako ng mga pinsan niya.

Nang tumingin ako kay Ahmed ay nahuli ko itong nakatingin ng mariin sa akin. Ang akala ko ay iiwas na siya ng tingin ngunit mas lalo pa niya akong tinitigan.

Ako na ang unang nagbawi ng tingin sa amin dahil nagsisimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hapon na ng mapagdesisyunan naming umalis sa Subic, Zambales. Talagang sinulit namin ang dalawang araw na bakasyon na ito dahil bukas ay may mga pasok na ulit kami sa eskuwela at trabaho.

Mahigit apat na oras rin ang byinahe namin hanggang sa makarating na kami sa Maynila. Nag-stay pa sa bahay sila Nikolai, Eiselle at Cristina para sabayan kaming kumain hanggang sa nagpaalam na ang mga ito sa amin na uuwi na sila.

"Pakisabi pala sa mga suitors mo na salamat sa libreng pabakasyon sa amin." sabi ni Nikolai nang ihatid ko na sila nina Eiselle at Cristina sa labas ng bahay namin.

Nakita ko pa sina Haru at Noah sa loob ng bahay na nakadungaw sa may pintuan at pasimple nilang sinusulyapan sina Eiselle at Cristina.

"Wala 'yon. Kapag namimiss mo na si Blair o hindi kaya ay ako, pumunta ka lang dito sa bahay, ah?" nakangiting sabi ko kay Nikolai.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now