Chapter 19

20.7K 739 230
                                    

Pagkatapos akong patahanin ni Ahmed mula sa pag-iyak ko ay muli na kaming bumalik sa upuan namin sa sinehan. Napansin ko kaagad na wala na sina Kyrie at Trina sa inuupuan nila na ipinagtaka ko.

"Nasaan na pala sina Kyrie at Trina?" tanong ko kay Ahmed na nakahawak sa isang kamay ko at pinaupo ako nito sa inuupuan nila kanina ni Trina.

Nang tumingin naman ako saglit sa pwesto nina Ahnwar at Ahzik ay pareho lang silang tahimik habang nakatutok ang mga mata nila sa pinapanood nila. Hindi nila kami magawang tignan man lang ni Ahmed at hindi ko alam kung bakit.

"I told them to leave. They're ruining our day." sagot ni Ahmed saka nito inabot sa akin ang popcorn at drinks na binili namin kanina bago pumasok dito sa loob ng sinehan.

Tinanggap ko naman ito at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa wakas ay wala na rin sa landas namin ang Trina na iyon- ay teka, bakit ba ako natutuwa kung pinaalis na siya ni Ahmed?

"Pero si Kyrie-"

"Don't mind them. Let's just finish the movie." pagputol ni Ahmed sa sinasabi ko at itinutok na rin ang mga mata niya sa pinapanood namin.

Kung hindi lang madilim dito sa loob ng sinehan malamang ay kanina pa nakikita ni Ahmed na pulang-pula na ang buong mukha ko sa kaba at mabilis na pagtibok ng puso ko habang nasa tabi ko siya.

Kanina lang ay kinantahan niya ako at naalala ko noong unang araw na kinantahan niya ako sa may parke. Nagbago na ang timbre ng boses niya sa mga nakalipas na taon pero kahit na ganoon ay alam kong siya talaga si Durhin na nakilala ko dahil sa parehong klase ng pakiramdam na palagi niyang ipinaparamdam sa akin magmula noon hanggang ngayon.

Kahit pilit ko mang kinakalimutan ang mga nangyari sa akin noon limang taon na ang nakakalipas ay babalik at babalik pa rin pala ito sa isipan ko.

At isa na doon ay ang mga alaala ko kay Durhin.

Noong gabi na may nangyari sa amin ni Ahmed, kahit hindi ko man maalala iyon ay may parte talaga sa puso ko na natutuwa nang malaman kong siya pala ang nakauna sa akin.

Mali man dahil parehong may nangyari sa amin kahit menor de edad pa lang kami noong mga panahong iyon ay hindi ko talaga kayang magalit sa mga nangyari noon sa amin ni Ahmed.

Pinaglaruan at niloko kami nina Leigh at Neymar at nang malaman ko na hindi si Leigh ang tunay na ama ni Blair ay nabunutan ako ng malaking tinik doon.

Sana nga nararamdaman rin ni Ahmed itong nararamdaman ko para sa kanya. Kahit sinabi man sa akin ni Ahnwar na may gusto si Ahmed kay Trina ay umaasa rin ako na magugustuhan ako ni Ahmed kahit mukhang malabong mangyari iyon.

Iyong nangyari kanina na sinundan niya ako sa loob ng cr, sana ay sinundan niya ako doon dahil may kaunti na siyang nararamdaman para sa akin pero ayoko na talagang mag-expect pa dahil alam kong masasaktan lang rin ako sa huli.

Makalipas ang isa't kalahating oras ay natapos na rin ang pinapanood naming palabas. Pagkalabas namin sa loob ng sinehan ay bigla akong hinila ni Ahzik at inakbayan.

"Let's go home?" tanong niya na sinang-ayunan nalang namin.

Pagkauwi namin sa mansyon ay kaagad nagbihis ng pang-opisna sina Ahmed at Ahzik dahil may mga kailangan pa raw silang tapusing trabaho sa kompanya nila at baka mamayang gabi pa sila makakauwi. Si Ahnwar lang ang maiiwan ngayon dito sa mansyon dahil wala naman raw itong masyadong gagawin ngayon sa trabaho niya.

Nang magpaalam na sina Ahmed at Ahzik sa amin na aalis na sila ay bigla akong niyaya ni Ahnwar na pumunta sa Entertainment room nila.

Si Blair naman ay kalaro ngayon sina Yesheem at Sahara sa loob ng kwarto ng mga ito kasama ang isang katulong doon habang si Tita Rica naman ay umalis raw kanina ng mansyon para puntahan saglit ang puntod ng yumao nitong lolo at lola.

The Triplets AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon