Chapter 16

21.3K 787 293
                                    

5 years ago...

Kakatapos lang ng klase namin at dumiretso na naman ako dito. Habit ko na sigurong pagmasdan itong gwapo at matangkad na lalakeng nag-iisketch ng drawing habang nasa lilim ito ng puno at abala sa ginagawa niya.

Halos araw-araw yata ay nandito siya. Halata rin na halos kaedad ko lang ito at sa isang private school siya nag-aaral base sa suot niyang uniporme sa loob ng suot niyang itim na hoodie jacket.

Gwapo sa lahat ang lalakeng ito lalo na ang kulay grey na may halong blue na mga mata niya. Mukha rin siyang foreigner na Arabic o German katulad ni Leigh. Sa tingin ko nga ay mas gwapo pa siya kaysa sa boyfriend ko.

Hindi ko siya malapitan dahil nahihiya ako. Sa tingin ko kasi ay sobrang kapal na ng mukha ko kung lalapitan ko pa siya. Hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng itim na hoodie jacket at naka facemask pa pero kahit na ganoon ay alam kong gwapo siya, base na rin sa ganda ng mga mata niya.

Habang pinagmamasdan ko pa rin ang gwapong lalake ay nagulat nalang ako sa malakas na pagtapik sa balikat ko ng kaibigan kong si Neymar na nasa likod ko na pala.

"Hoy! Nandito ka na naman, Adi. Ikaw, may jowa ka na pero nagkakainteres ka pa sa ibang lalake, ha? Isumbong kaya kita kay Leigh?" pananakot ni Neymar na ikinalaki ng mga mata ko sabay iling ng paulit-ulit.

"S-subukan mong gawin 'yan kundi itatakwil na kita bilang best friend ko."

Ako naman ang nanakot kay Neymar at katulad ng reaksyon ko kanina ay ganoon rin ang naging reaksyon niya.

"Adi naman, huwag ganyan! Ikaw na nga lang ang best friend ko tapos itatakwil mo pa ako?" malungkot niyang sabi pero halata namang fake lang iyon.

Natawa nalang ako at humalukipkip. "Kung ganon ay huwag na 'wag mong sasabihin kay Leigh na ini-istalk ko dito 'yang poging lalakeng 'yan. Paniguradong magagalit 'yon sa'kin kapag nalaman niya. Seloso pa naman 'yon." sabi ko.

Inakbayan naman ako ni Neymar at mas hinila pa ako nito patago sa punong pinagtataguan ko para hindi kami makita nung gwapong lalake dito sa may parke.

"Tss! Oo na. Kumusta na nga pala si Nikolai?" tanong ni Neymar at doon ay napabuntong-hininga ako.

"Ayon, medyo nagalit sa'kin dahil mas kino-consider pa raw kitang best friend ko kaysa sa kanya. Pareho ko naman kayong bestfriend pero nagalit yata siya noong ikaw ang pinili kong mas bestfriend ko sa truth or dare na nilaro namin kasama ang mga kaklase namin." malungkot kong saad kay Neymar.

"Mga bata palang tayo ay nagseselos na talaga siya sa'kin dahil iniisip niyang kinukuha ko palagi ang atensyon mo na dapat ay ibinibigay mo lang sa kanya. Mas nauna mo siyang nakilala kaysa sa akin, Adi kaya naiintindihan ko si Nikolai." tumingin sa malayo si Neymar at napailing nalang ito.

"Ano ka ba, Neymar! Pareho ko kayong bestfriend ni Nikolai no, saka pareho rin kayong mahalaga sa'kin. Kakausapin ko nalang ng maayos si Nikolai para hindi na siya magtampo sa akin." nakangiting sabi ko. Ginulo naman ni Neymar ang buhok ko at nginitian ulit ako.

Si Neymar Fontanez ay isa sa mga bestfriend ko. Kababata ko ito katulad ni Nikolai. Gwapo, mabait, at maaalalahanin rin itong kaibigan sa akin.

Siya ang naging daan para mas mapalapit pa akong lalo kay Leigh dahil member rin ito ng basketball team sa school namin na kung saan ay si Leigh ang Team Captain nila.

Habang patagal ng patagal ang relasyon namin ni Leigh ay napapansin kong unti-unti nang lumalayo ang loob ni Neymar sa akin. Hindi na rin ako nito pinapansin o kinakausap at kapag nagtatangka akong lumapit sa kanya ay iniiwasan niya ako o di kaya'y sinasamaan ng tingin.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now