Chapter 18

21.5K 750 355
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming nagpunta sa mall ni Ahmed kasama sina Ahnwar at Ahzik para bumili raw ng mga gamit na kakailanganin namin ni Blair at sa mga gamit sa kwartong tutuluyan namin ngayon ni Ahmed.

May ilang akong nararamdaman dahil halos lahat ng mga taong nakakakita sa amin dito sa loob ng mall ay napapalingon sa amin.

Alam ko na rin naman kung bakit, masyadong gwapo at matatangkad itong mga lalakeng kasama ko na triplets pa. Imposible talagang walang makakapansin sa kanila dahil hindi naman sa exaggerated ako pero parang mga tao silang inilabas mula sa isang Greek Gods mythology book. May pagkabanyaga pa ang mga itsura nila at kakaiba ang kulay ng mga mata nila kaya sino bang iignora sa ganitong klaseng mga lalake?

Nagmumukha na rin silang mga matataas na pader sa tabi ko habang naglalakad kami dito sa loob ng mall at naghahanap ng pwedeng kainan. Sa taas akong 5'7 ay walang wala sa akin ang 6 feet pataas na mga height nila.

Ewan ko lang talaga sa magkakapatid na ito kung ano ang nagustuhan nila sa akin. Inaamin ko namang maganda talaga ako pero alam ko ring may higit na mas maganda at sexy pa kumpara sa akin.

Naiwan si Blair ngayon sa mansyon at hiniram ito ni Tita Rica sa amin. Nasa bahay rin sina Yesheem at Sahara na walang mga pasok sa klase kaya nilalaro nila sa Blair doon at ang sabi ni Tita Rica ay magsu-swimming sila sa may pool.

Pumayag naman ako dahil katulad ni Ahmed ay nangulila rin si Tita Rica sa apong hindi niya aakalaing mayroon pala siya.

"Dito nalang tayo kumain." ani ko sa triplets at itinuro sa kanila ang Shakey's restaurant na nakita ko.

"Okay. Let's try their Chicken and Mojo's there." sabi ni Ahzik habang nakahapit ito sa baywang ko at pumasok na kami sa loob ng restaurant.

Umorder lang kami ng pepperoni pizza at Chicken and Mojo's na sinasabi ni Ahzik at pagkatapos naming kumain ay kaagad na kaming dumiretso sa isang clothing store para naman raw bumili ng mga bagong damit at sapatos para sa amin ni Blair.

"Hindi niyo na kami kailangang bilhan ni Blair ng mga damit at sapatos. Maayos pa naman-"

"Huwag nang matigas ang ulo, baby. Gusto ring makabawi sa inyo ni Ahmed kaya hayaan mo na siyang gumastos para sa inyo ni Blair." nakangiting saad ni Ahnwar at inakbayan nito si Ahmed na tumango naman sa sinabi niya.

"Choose your clothes and for Blair, Adi." utos ni Ahmed kaya napailing nalang ako saka tumango bilang tanda ng pagsuko.

Napangiti lang sina Ahnwar at Ahzik sa naging tugon ko habang si Ahmed naman ay tila nakamasid sa mga kilos ko.

Ginawa ko ang gusto ng magkakapatid, namili ako ng mga damit at sapatos para sa amin ni Blair. Base palang sa tag price ng mga damit at sapatos ay mamahalin na ang mga ito pero kering-keri naman ni Ahmed ang gastos kaya lulubos-lubusin ko na tutal minsan lang naman siguro kami makakapamili ng ganito.

Nang makapili na ako ng mga damit at sapatos para sa amin ni Blair ay si Ahmed na ang lahat ng nagbayad nun. Maging pati kanina sa pagkain namin sa Shakeys ay siya na rin ang nagbayad nun at hindi na niya pinagbayad pa sina Ahnwar at Ahzik. Talagang bumabawi siya sa amin bilang ama ni Blair.

Pagkatapos makapagbayad ni Ahmed ng mga pinamili ko ay sina Ahnwar at Ahzik na ang nagdala ng mga iyon. Dumiretso naman kami sa furniture shop para mamili ng kama, mga upuan, lampshade at iba pang mga kakailanganin sa loob ng kwarto namin.

Magaganda pa naman ang mga furnitures sa loob ng kwarto namin ni Ahmed pero gusto niya yata na palitan na ang mga iyon kaya wala na naman akong choice kundi mamili nalang ng bagong ilalagay na furniture sa loob ng kwarto namin. Tinulungan rin ako nina Ahnwar at Ahzik na makapamili kaya hindi na ako nahirapan pa sa pagpili.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now