Chapter 27

16.8K 588 249
                                    

Francis (Nikolai)

Pagkatapos naming magtalo ni Aliyah kagabi sa bayan ay hindi na niya ako halos kausapin ngayon. Ni hindi niya na rin ako magawang tignan dito sa bahay habang kinakausap siya ng kanyang kapatid. Si Kuya Jed at ang mga kaibigan lang namin ang pinapansin niya at naiinis na ako.

Kasalanan ko naman kung bakit nag-away kami kagabi pero hindi ko lang talaga napigilan ang galit at selos ko noong makita ko siyang naging malapit kaagad kay Governor Dean Sandoval.

Hindi ako tanga at manhid para hindi mapansin ang ibang klaseng tingin ng Gobernador na iyon sa asawa ko. Maging pati na rin ang ibang mga kalalakihan sa bayan ng San Mariano ay hindi na halos maialis ang tingin nila kay Aliyah.

Ito na nga ba ang kinatatakutan ko, na kapag pinalaya ko siya sa mundo ko ay baka hindi na siya bumalik sa akin. At kapag patuloy ko pa siyang ipakita sa ibang tao ay baka makita at mahanap na siya ng totoo niyang pamilya at mga nobyo at ayokong mangyari iyon.

Tatlong taon na ang nakakalipas simula nang inilayo ko si Adi mula sa kanila. Sa sobrang pagmamahal at kabaliwan ko sa kanya simula noong mga bata pa lang kami ay nagawa ko na ang bagay na ito at hindi ko ito pinagsisisihan.

Sawa na akong magpanggap na ayos lang sa akin ang lahat. Nagsasawa na rin akong maging isang dakilang best friend at alalay niya. Kung hindi lang sana dumating ang triplets na iyon sa buhay namin, malamang na ako ngayon ang totoong iniibig ni Adi.

Naaalala ko pa rin ang mga sinabi ko noon kay Neymar na naging dahilan ng paglayo ng loob niya kay Adi. Siniraan ko ang sarili kong best friend para lang mawala sa landas namin ang lalakeng iyon.

"Neymar, sinabi na mismo sa akin ni Adi na kung may mamamatay sa ating dalawa at kung sino ang pipiliin niyang mailigtas sa atin ay ako 'yon." nakangisi kong sabi kay Neymar na sobrang sama ng tingin sa akin.

"Ano bang sinasabi mo, Nikolai? Ako nga ang pinili ni Adi bilang mas best friend niya kaysa sa'yo sa truth or dare, e. Kung sinasabi mo lang 'to para layuan ko siya ay tumigil ka na." sabi ni Neymar ng seryoso.

"Naniwala ka naman do'n? Ayaw niya lang na masaktan ang damdamin mo dahil alam na niyang gusto mo siya at ayaw ka na niyang paasahin pa sa wala." pagsisinungaling ko at doon ay natigilan siya.

"P-paano niya nalaman 'yon?" gulat na tanong ni Neymar.

Napatawa naman ako. "Malamang sinabi ko. At alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa akin? Nasusuka raw siya nang malaman niyang gusto mo siya. May Leigh na nga naman siya at ano bang binatbat mo sa isang katulad ni Leigh Johann Davidson?" pang-iinsulto ko.

Halatang nasaktan at nalungkot naman si Neymar sa kasinungalingang sinasabi ko.

Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.

"Kung ako sa'yo, Neymar ay layuan at kamuhian mo na si Adi. Nandidiri na siya dahil gusto mo raw siya. Umaasa ka naman na magkakagusto rin siya sa'yo? Alam mo kung gaano niya kamahal si Leigh kaya hangga't maaga pa ay iligtas mo na 'yang puso mo sa kanya." nakangiti kong ani at pagkatapos ay naglakad na ako papalayo kay Neymar na natulala at nabigla pa rin sa sinabi ko.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now