Chapter 3

34.1K 1K 425
                                    

"Harley Ruvin." madiin kong pagtawag kay Haru nang sinundo ko ito sa basketball court kung saan ay kalaro niya doon ang bestfriend niyang si Noah at ang iba pa nilang mga kaibigan.

Nabaling kaagad ang tingin sa akin ng mga kaibigan ni Haru habang siya naman ay mukhang naiinis sa biglang pang-iistorbo ko sa laro nila nang lumapit ito sa akin.

"Ano ba 'yon, ate? Nakita mo namang naglalaro pa kami, e!" naiinis niyang sabi.

Mahina ko namang piningot ang tenga niya at ang damuho ay umaaray pa na parang masakit ang pagkakapingot ko sa kanya.

"Hoy! Anong oras na ba? 8pm na ng gabi pero hanggang ngayon ay naglalaro ka pa rin dito sa court. Wala ka bang balak kumain, ha?" masungit kong sabi at si Haru ay nagkamot naman ng batok.

"Kakain naman ako mamaya pero naglalaro pa kasi kami. Halika nga dito, Noah at i-explain mo kay Ate Adi na may sasalihan tayong liga sa kabilang baranggay." sabi ni Haru at pinalapit nito sa amin si Noah na nagpeace sign lang sa akin at ngumiti ng napipilitan pa yata.

"Tama si Haru, Ate Adi. May sasalihan nga kaming basketball game sa kabilang baranggay. Sayang naman ang 15k cash prize ng mananalo na sponsor pa ni Mayor kung hindi kami sasali sa paliga doon. Sige na, ate? Hayaan mo na munang magpractice kami ngayon nila Haru." sabi naman ni Noah at inakbayan pa nito si Haru kahit pawis na pawis na silang dalawa mula sa paglalaro ng basketball.

Bumuntong-hininga nalang ako dahil wala na rin akong magagawa pa.

"Okay pero kapag hindi pa kayo umuwi ng 9pm sa mga bahay niyo ay malalagot kayo sa akin lalo na sa Mama at Papa mo, Noah." banta ko kay Noah na mukha namang natakot doon.

Kaclose ng pamilya namin ang mga magulang ni Noah kaya kapag may ginawang kalokohan 'tong anak nila ay paniguradong wala lang sa mga ito kung pagalitan o pagsabihan ko si Noah dahil talaga namang napaka pasaway ng batang ito katulad rin ni Haru.

"P-promise po, Ate Adi! Uuwi kami kaagad sa bahay bago pa mag 9pm." sagot ni Noah at nagbow pa ito sa akin.

Napailing na lang ako. "Sabi niyo 'yan, ah."

"Mama!"

Bigla ay nakita kong naglalakad na papalapit sa akin ang anak kong si Blair at kasunod naman nito sina Eiselle at Cristina na parehong namula ang mga mukha nang makita sina Haru at Noah.

"Baby ko!" masaya kong sambit nang makalapit na sa akin si Blair at kinarga ko ito.

"Lalaro basket si Tito Haru?" curious na tanong ni Blair na ikinangiti at ikinatango ko naman.

"Yes, baby. Naglalaro ng basketball ang Tito Haru mo at ayaw pa niyang kumain sa bahay dahil busy pa sila sa paglalaro." sagot ko kay Blair at hinawi ang bangs nitong nakatabon na sa mga mata niya.

"Maglalaro muna ng basketball si tito, baby. Mamaya na tayo maglalaro sa bahay." nakangiting sabi ni Haru kay Blair at pasimple pa itong sumulyap kay Eiselle na napayuko naman sa ginawa ni Haru.

"Baby Blair, bukas ay papasalubungan kita ng marshmallow pag-uwi namin ni Tito Haru mo galing sa school. Maglalaro muna kami, okay?" sabi naman ni Noah kay Blair at pasimple nitong sinulyapan si Cristina na yumuko rin nang dahil sa hiya sa kanya.

Pumalakpak at tumango naman ang anak ko sa sinabi ng dalawang ito na ikinailing ko nalang.

Nang bumalik na sa basketball court sina Haru at Noah ay nag-umpisa na silang magpractice ulit. Niyaya ko na sina Eiselle at Cristina na umuwi na sa bahay dahil gabi na rin at mahamog na.

"Satisfied na ba kayo at nakita niyo na 'yang mga crush niyo?" nakangisi kong tanong kina Eiselle at Cristina na namula na naman bigla ang mga mukha.

Si Eiselle ay may crush kay Haru habang si Cristina naman ay may crush kay Noah. Magkaedad lang sina Eiselle at Haru. Isang taon naman ang tanda ni Noah kay Cristina.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now