Chapter 22

19.8K 699 277
                                    

Ngayon ay hindi ko magawang tignan ng diretso si Ahmed na kanina pa nakatitig sa akin. Masyado talaga akong nai-intimidate sa kanya sa tuwing nakakasama ko siya dahil siya iyong tipo ng lalake na parang ang hirap abutin o pakisamahan hindi gaya nina Ahnwar at Ahzik na madali ko lang makausap ng kaswal at normal.

Maaga palang ay dinala na ako ni Ahmed dito sa isang Amusement Park. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang niya akong dinala rito gayong may pasok pa ito sa trabaho niya pero mukhang nagleave siya ng isang araw dahil sina Ahnwar at Ahzik ay maaga ring umalis kanina para pumasok sa trabaho nila.

Nasakyan na namin ni Ahmed ang lahat ng rides dito sa Amusement Park at ano pa ba ang aasahan kong iaasal niya? Hindi na talaga bago sa kanya ang pagiging tahimik niyang tao.

"Do you enjoy here?" biglang tanong ni Ahmed na ngayon lang ulit nagsalita kaya ngumiti at tumango naman ako sa kanya.

"Mas maganda sana kung kasama rin natin si Blair para mag-enjoy siya dito." sabi ko.

"It's our day today. Isasama nalang natin si Blair sa susunod." sagot niya habang nananatili pa rin ang mga titig niya sa akin.

Tumango nalang ako at kinagat ang ibabang labi ko. Natigil lang ang pagtitig sa akin ni Ahmed nang magyaya na itong kumain kami sa isang restaurant.

"May mga kailangan ka pa ba sa kwarto ninyo ni Blair? We can buy right now if it's not enough." banggit ni Ahmed habang kumakain kami.

"Uh, wala na. Kompleto na rin naman 'yung mga nabili nating gamit noon sa mall." sagot ko.

Hindi na nagsalita si Ahmed pagkatapos nun at itinuloy nalang nito ang pagkain niya.

Parang wala talaga siyang pakialam sa paligid niya at hindi na niya napapansin ang iilang mga babae dito sa loob ng restaurant na kanina pa siya pinagtitinginan at pinag-uusapan.

Malamang ay nagagwapuhan sila kay Ahmed dahil sino ba namang tao ang hindi mapapansin si Ahmed o di kaya'y sina Ahnwar at Ahzik sa maganda at outstanding na physical appearance nila? Pero nakafocus lang talaga si Ahmed sa akin at sa kinakain niya.

Unbothered King ang magandang itawag sa kanya.

"Manliligaw ako sa'yo." sabi ni Ahmed saka nito itinigil ang pagkain niya.

Nagulat naman ako doon habang nanlalaki ang mga mata ko.

Ano? Liligawan niya ako?

"H-ha? Bakit naman? B-boyfriend ko na sina Ahnwar at Ahzik at saka-"

"I love you that's why I will court you." seryoso niyang ani na mas lalo pang nagpawindang sa akin.

Mahal niya ako? Totoo ba talaga itong naririnig ko kay Ahmed?

Papaano nangyari iyon?

Ang akala ko ba ay may gusto siya kay Trina base sa sinabi sa akin ni Ahnwar?

Naguguluhan ako!

Nang makabawi na ako sa pagkagulat dahil sa sinabi ni Ahmed ay nagsalita na ulit ako.

"S-seryoso ka ba talaga diyan sa sinasabi mo, Ahmed? Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin na mahal mo ako at liligawan mo ako nang dahil lang sa gusto mong maging responsableng ama ni Blair." sabi ko at inilingan siya.

Tinitigan naman ako ng mariin ni Ahmed dahilan para manlamig akong bigla dito sa kinauupuan ko.

"Sa tingin mo ba nagbibiro lang ako ngayon, Adi? I wouldn't waste my time and effort here if I'm not serious with you. Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin?" Tumawa siya ng mahina at sa unang pagkakataon ay narinig ko na kung paano siya tumawa.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now