Chapter 8

24.7K 907 348
                                    

Dahil birthday daw ngayon ng nakababatang kapatid nina Ahnwar at Ahzik na si Danielle ay niyaya nila kami ni Nikolai na maki-birthday sa bahay nila. Mukha namang kaclose ni Nikolai ang dalawang boss niya dahil nag-uusap at nagtatawanan pa ang mga ito habang nasa loob kami ng kotse ni Ahnwar patungo sa bahay raw nila.

Hindi alam ni Nikolai na nakilala ko na sina Ahnwar at Ahzik mula sa pinagtatrabauhan kong Supermarket kung saan niya ako nirefer doon. At hindi ko rin alam na uncle pa pala ng triplets ang may-ari ng Supermarket kaya kilala nila si Nikolai at boss ang tawag ni Nikolai sa kanila.

What a small world! Kilala ni Nikolai ang may mga sayad yata sa utak na dalawang magkapatid sa triplets na sinabing liligawan daw nila ako and take note! Hinalikan pa nila ang magkabilang palad ko dahilan para hindi ko na sila maialis sa isipan ko.

"I'm glad that we saw you on that mall. Mabuti na lang at naisipan namin ni Ahzik na pumunta sa mall to buy a gift for Danielle's 14th birthday." nakangiting sabi ni Ahnwar kay Nikolai at sandali itong sumulyap sa amin ni Blair sa backseat ng kotseng kinauupuan namin.

Iyong mga tingin ni Ahnwar ay nakakatunaw at nakakailang kaya kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya nang magtama ang mga mata namin.

"Birthday nga pala ni Danielle ngayon, no? Ipinasyal ko lang kasi 'tong bestfriend kong si Jianna Adiel at ang anak niyang si Blair sa mall dahil day off ko naman sa work ko. Gawain na namin 'to ng mag-ina, mga sir nang lumalaki na si Blair. " sabi naman ni Nikolai at nginitian niya ako pagkatapos.

Bakit naman kaya full name ko pa ang pakilala ni Nikolai sa akin kina Ahnwar at Ahzik? Hindi ba pwedeng Adi nalang para mas maikli?

Bigla ay sumeryoso ang mukha nina Ahnwar at Ahzik nang banggitin iyon ni Nikolai at dumiretso nalang ang tingin nila sa binabagtas naming daan.

"Childhood friend ba kayo?" mariing tanong ni Ahzik kay Nikolai na nakatutok pa rin sa daan ang paningin niya. Nakaupo siya sa front seat habang si Ahnwar naman ang nagmamaneho sa driver's seat.

"Yes, sir. Napamahal na rin sa akin si Blair na anak ni Jianna kaya Papa na ang tawag sa akin ni Blair." sagot ni Nikolai na walang ideya na parang hindi nagugustuhan ng magkapatid ang sinasabi niya.

"Oh?" sambit naman ni Ahnwar at tunog sarcastic pa iyon na hindi naman napansin ni Nikolai at tumawa lang ito.

Kung pwede lang ay gusto ko nang tumakas at tumalon mula sa kotseng ito dahil ang awkward talaga na kasama ko ang dalawa sa tatlong triplets na nagbabalak pang ligawan ako kahit hindi ko naman sila totally kakilala.

Ang lakas talaga ng amats nila para ako pa ang ligawan nila. Hindi ba nila nakikitang wala silang mapapala sa akin? Bukod sa mahirap lang ako, hindi sobrang maganda at sosyal at naanakan pa ng siraulong lalake na nagwala lang kanina sa loob ng mall ay liligawan pa nila ako?

Ano bang nakita nila sa akin?

Nakahinga lang ako ng maluwag nang mag-iba na ang topic nila at hindi na ako o si Blair ang pinag-uusapan nila. Mukhang kaclose talaga ni Nikolai sina Ahnwar at Ahzik dahil kilala pa niya ang nakababatang kapatid ng dalawa sa triplets.

Mahigit isang oras rin ang nakalipas nang makarating na kami sa bahay- ay hindi pala, mansyon na ito kung tutuusin dahil sa taas ng palapag ng mansyon at modernong disenyo nito. Mukhang palasyo pa sa lawak at laki. May fountain rin sa labas ng bahay at maze garden na napapalibutan ng mga bulaklak, mga halaman at puno.

Seryoso? May ganito palang klase ng mansyon dito sa Pilipinas? Rich kid pala talaga ang triplets at nakakahiyang nililigawan nila ang isang muchacha na katulad ko!

"Ganda bahay, Mama! Parang bahay ng princess sa papanood ko sa tv!" namamanghang sabi ni Blair habang nililibot niya ng tingin ang mansyon nina Ahnwar at Ahzik nang makalabas na kami sa loob ng kotse.

The Triplets AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon