Chapter 9

24.2K 843 517
                                    

Hindi ako halos makatingin ng diretso kina Nikolai, Kyrie at Ahmed habang nasa iisang table kami kasama ang mga magulang ng triplets na sina Ma'am Rica at Sir Trevor maging pati na rin ang kadarating lang na mga ama ng iba pang kapatid ng triplets na sila Sir Zian, Wenhan at Ran.

Sinabi na ni Ahnwar at Ahzik sa mga magulang niya na nililigawan na nila ako. Hindi ko naman inaasahan na ayos lang iyon sa pamilya nila dahil nag-aalangan pa rin ako sa estado ng buhay ko kumpara sa estado ng buhay nila. Nakikita ko na tanggap nila ako para sa mga anak nila. Tanggap rin nila ako kahit na may anak na ako. Wala naman raw kasing kaso sa kanila kung single mother ako.

Talaga ngang napakabait ng pamilya ng triplets. Hindi nila kami itinuturing na ibang tao nina Blair at Nikolai kahit na lumaki kami sa hirap at hindi mayaman na katulad nila.

Hanggang ngayon ay kasama pa rin ni Blair sina Yesheem at Sahara. Kakatapos lang nilang maligo sa pool at ngayon naman ay nasa loob sila ng mansyon para raw ipakita at ipalaro kay Blair ang mga laruan nilang pinaglumaan na noon pang mga bata pa sila.

"Saan niyo ba unang nakita si Jianna, sons?" nakangiting tanong ni Sir Zian kina Ahnwar at Ahzik.

"Sa Supermarket nina Tita Sheena at Tito Alden, Dad." sagot naman ni Ahzik habang nakangiti rin ito.

"Really? You're an employee there, Jianna?" tanong sa akin ni Sir Wenhan.

"Opo. Cashier po ako sa Supermarket na 'yon. Si Nikolai po ang nagpasok sa akin sa trabaho doon." sabi ko at sinulyapan si Nikolai na ngumiti lang sa akin ngunit hindi umabot sa tenga nito ang ngiti niya.

May problema ba siya? o baka nabobored lang?

"That's great. Sister ko at ang asawa niya ang may-ari ng Supermarket kung saan ka nagtatrabaho. Pwede kong sabihin sa kanila na ilagay ka doon sa mas mataas na posisyon." sabi ni Sir Wenhan kaya kaagad akong umiling doon.

"Nako, hindi niyo na po kailangang gawin 'yon. Ayos na po sa'king maging cashier nalang muna sa Supermarket ng kapatid niyo at ng asawa niya saka hindi pa po ako nakakapagtapos ng high school dahil maaga po akong nabuntis noon. Nakakahiya naman pong ilalagay niyo ako sa mataas na posisyon dahil wala po akong mataas na educational background." mahina kong sabi.

Tila natigilan naman silang lahat sa sinabi ko at nakita ko sa mga mata nila ang awa para sa akin. Ayoko mang kaawaan ako ng ibang tao pero mas maganda nang maging tapat ako sa kanila.

"You're just like me before, hija. I was only 18 years old when I got pregnant by my first boyfriend na kapatid ni Trevor." biglang banggit ni Ma'am Rica.

Nagulat naman ako sa sinabi niya at tumingin kay Sir Trevor na ngumiti lang sa akin. "Talaga po?" tanong ko kay Ma'am Rica.

"Yes, Jianna. Nabuntis ako at nawala rin ng mabilisan ang unang naging anak ko dahil nakunan ako. Nahinto rin ako sa pag-aaral noon dahil nabuntis ako. Kahit na ganoon, naging matatag na lang ako para sa sarili ko. You can still finish your studies if you are ready at nandiyan naman ang mga anak ko para tulungan ka." sabi ni Ma'am Rica na mas lalo ko pang ikinagulat.

May pinagdadaanan pala noon si Ma'am Rica at kinaya niya ito para sa sarili niya. Maaga rin siyang nabuntis katulad ko at ang nakabuntis pa sa kanya ay ang kapatid ni Sir Trevor. Hindi ko alam ang history ng love story nila pero mukhang marami silang pagsubok at hirap na naranasan noon.

Maswerte ako dahil hindi ako nakunan noong ipinagbubuntis ko pa lang si Blair. Alam kong masakit mawalan ng anak dahil sa tuwing nagkakasakit lang si Blair ay hindi na ako makakilos at makatulog ng maayos sa sobrang pag-aalala. Kung nabuhay pala sana ang anak ni Ma'am Rica ay may ate sana ngayon ang triplets at ang mga nakababata nilang kapatid.

The Triplets AddictionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin