Chapter 4

32.5K 1K 420
                                    

Saktong 6pm nang matapos ako sa duty ko sa trabaho. Si Nikolai naman ay mga 30 minutes early bird at maaga niya akong sinusundo ngayon dito sa Supermarket na pinagtatrabauhan ko.

Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga kasamahan kong babae sa trabaho kabilang na doon si Iska na nagkanda haba-haba na ang leeg dahil kanina pa ito lumilingon sa kinaroroonan ni Nikolai.

Nakapwesto malapit sa ATM machine si Nikolai at nakasandal pa doon na parang model lang ng BDO ATM machine. Napapatingin ang halos lahat ng mga taong napapadaan sa harapan niya. Head turner talaga ang mokong na 'to kaya masyado ring bida-bida sa sarili kung minsan.

"Sure ka bang hindi mo jowa 'yan, Adi? Ang gwapo naman nyan! Mukhang koreano pero daks!" malanding bulong sa akin ni Iska kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Lalake rin ang hanap niyan kaya wala kang pag-asa diyan." sabi ko naman habang natatawa. Panigurado na kapag narinig ni Nikolai ang pinagsasabi ko kay Iska ay baka mabatukan lang ako nito.

Bigla namang lumungkot ang mukha ni Iska sa sinabi ko at ngumiwi nalang ito. "Eh? Ganon ba? Sayang naman at etits rin pala ang hanap niyang kaibigan mo. Sayang talaga si Jose, kung hindi lang siya playboy at maloko ay baka nagka-crush na rin ako sa kanya." dismayado niyang sabi.

"Ayaw mo ba kay Jiro? Pogi naman siya, ah?" sabi ko at itinuro si Jiro na busy sa pakikipag-usap sa iilang babaeng katrabaho namin. Nakaupo sila sa isang table sa Cafeteria.

"Si Jiro? Huwag na oy! Tignan mo nga, oh? Masyadong haliparot ang lalakeng 'yan at kung sinu-sinong babae ang nilalandi." nakaismid na sagot ni Iska habang inaayos nito ang bitbit na shoulder bag.

"Selos ka na niyan?" nakangising tanong ko habang naglalakad na kami papunta sa kinaroroonan ni Nikolai.

"No way! Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo, Adi!" tila diring-diri pang sabi ni Iska kaya napatawa nalang ako doon.

Nang makalapit na kami kay Nikolai ay saglit ko siyang ipinakilala kay Iska. Para pang natataeng ewan si Iska nang makaharap na niya si Nikolai.

Bibihira lang daw kasi talaga siyang makakita ng mga gwapong lalake dahil sa squatters area na tinitirhan niya ay puro mga mukhang adik daw ang mukha ng mga lalake doon. Laitera rin masyado ang babaeng ito pero wala akong magagawa doon dahil talagang nakakaaliw lang siya.

Ilang saglit pa ay nagpaalam nang aalis si Iska dahil pupuntahan pa raw niya sa construction site ang kapatid niyang lalake para dalhan ito ng dinner.

Nang kaming dalawa na lang ni Nikolai ang naiwan ay bigla siyang umakbay sa akin na ikinangiwi ko naman.

"Langya ka, Nikolai! Pakitanggal naman 'yang braso mo sa balikat ko. Ang bigat-bigat, e!" reklamo ko habang pilit na tinatanggal ang braso niya sa balikat ko pero ayaw niya talaga itong tanggalin at tinawanan lang ako.

"Ang arte naman nito. Pasalamat ka nga at inaakbayan ka ng isang poging katulad ko. Ang swerte mo kaya sa'kin dahil parang may kasama ka na ring artista kapag kasama mo ako." nagyayabang nitong sabi na ikinangiwi ko pang lalo.

Sinabi ko nang ayaw na ayaw ko sa mga lalakeng masyadong ipinagyayabang ang physical appearance nila kung may ibubuga naman sila at example na doon si Jose pero masyado na talaga akong nasanay sa pagiging conceited nitong si Nikolai.

Alam ko rin naman kasing ganito na talaga siya noon pa at kumbaga ay parang sinasabi niya lang ito para asarin lang ako.

"Eww! Tumataas talaga ang balahibo ko sa pinagsasabi mo." umarte pa ako na parang may nakakahawang sakit si Nikolai at ang mokong ay mas lalo lang akong tinawanan.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now