Chapter 12

22.5K 775 247
                                    

"How are you yesterday, baby?" tanong sa akin ni Ahnwar habang nagmamaneho ito papunta sa mansyon nila.

Inimbitahan raw ako nina Ma'am Rica at Sir Trevor na makipag dinner sa kanila. Pagkatapos ng duty ko sa trabaho ay sinundo na ako ni Ahnwar sa pinagtatrabauhan kong Supermarket na pagmamay-ari ng auntie at uncle niya.

Wala ngayon si Ahzik dahil marami pa raw itong inaasikaso sa opisina nila at hindi ito makakasama sa dinner namin. Uuwi nalang raw ito kaagad kapag may bakante na siyang oras mamaya.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Y-yung ex-boyfriend kong ama ni Blair. G-gusto niyang makipagbalikan ulit sa'kin. Siyempre tinanggihan ko 'yon pero mapilit pa rin siya." pag-amin ko.

Kailangan kong maging tapat kina Ahnwar at Ahzik at sabihing gusto ni Leigh na makipagbalikan sa akin. Sinabi sa akin ni Nikolai na kailangan ko iyong sabihin sa magkapatid para tigilan na ako ni Leigh. Mayaman ang pamilya nila Leigh pero nakasisigurado ako na mas mayaman at makapangyarihan ang pamilya nina Ahnwar at Ahzik.

Sumama bigla ang ekspresyon ng mukha ni Ahnwar sa sinabi ko at humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela niya.

"Is he using Blair to get you back?" mariin at seryoso niyang tanong.

"H-hindi ko alam. Sa tingin ko kasi ay tama lang na suportahan at sustentuhan niya si Blair sa lahat ng pangangailangan nito habang lumalaki na siya. Ama pa rin siya ni Blair at hindi ko ipinagkakait sa kanya ang pagiging ama niya-"

"Stop all of that connections with him. We have a tons of money to support Blair. Hindi niya pwedeng gamitin ang bata para lang makuha ka. He's a fucking asshole to leave you while you were pregnant five years ago." galit nitong saad at mukhang kinokontrol na lang ni Ahnwar ang galit na nararamdaman niya.

Alam ko na sila ni Ahzik ang tipo ng mga lalake na sobrang mabait at mapagpasensya pero kapag nagalit na ay pwedeng makapanakit ng todo. Ganoon si Kuya Hideyo kaya hindi namin hinahayaan nina Mama at Lola na magalit ito ng sobra lalo na kapag tungkol kila Papa at sa naunang pamilya nito ang pinag-uusapan.

Minsan nang nag-away sina Kuya Hideyo at ang half brother naming si Kuya Jeddaih at muntik nang mapatay ni Kuya Hideyo si Kuya Jeddaih sa pambubugbog nito. Nakakatakot si kuya na magalit kaya hindi namin hinahayaan na magkita ulit kami nila Papa at ang naunang pamilya nito.

"Paano kapag pumunta siya-"

"Call me then. Kahit busy pa ako sa trabaho ko basta't malaman ko lang na tumuntong ulit sa bahay niyo 'yang gagong ex-boyfriend mo, ako ang kakaladkad sa kanya papalabas ng bahay niyo or worse I'll beat him to death para magtanda siya at hindi kana niya guluhin pa ulit." sabi ni Ahnwar at tumiim-bagang ito.

Natakot naman ako sa sinabi ni Ahnwar dahil halatang seryoso ito sa pagbabanta niya laban kay Leigh. Hindi naman ako makakatanggi sa sinabi niya dahil nanliligaw nga siya sa akin at alam kong kapakanan namin ni Blair ang iniisip niya.

Kilala ko si Leigh, hindi iyon magpapatalo sa kahit na sino. Kapag may ginawa iyon ay tiyak na gagawin talaga niya. Ngayon ay sina Ahnwar at Ahzik ang babanggain niya at sa tingin ko ay ito na ang mga unang makakatalo sa kanya.

Tumango nalang ako sa sinabi ni Ahnwar at hindi na ako nagsalita pa. Mas mabuti na rin na sila ni Ahzik ang pagkatiwalaan ko dahil wala na talaga akong tiwala kay Leigh.

Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin kami sa mansyon nina Ahnwar. Pumasok kami sa loob nito at dumiretso kaagad sa dining room.

Naabutan ko na nakaupo sa pahabang table sina Ma'am Rica at Sir Trevor habang may nakahain nang iba't-ibang klase ng mga pagkain at inumin doon.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now