Chapter 34

17.3K 569 242
                                    

Dedicated to iamalonnn

Ngayon ay kausap ko si Kyrie. Madali ko lang siyang nakapalagayan ng loob dahil mabait naman ito at nakakatuwang kausap. Ikinukwento niya sa akin si Ahmed na matalik niyang kaibigan. Mabuti raw itong kaibigan at palaging nagpaparaya para sa kanya.

Mas matanda siya ng dalawang taon kay Ahmed at kung tutuusin ay mas bata siyang tignan kumpara kay Ahmed. Siguro ay dahil iyon sa maamo at palangiting mukha ni Kyrie kaya mas lalo itong nagpapabata sa kaniyang itsura.

Ikwinento ko na rin sa kanya ang lahat ng mga kaganapang nangyari sa akin sa San Mariano at kung paano ako itinago doon ni Nikolai ng tatlong taon.

"Is he did something bad to you, Adi? Did he already took advantage of you?" sunod-sunod na tanong ni Kyrie na inilingan ko naman.

"Wala namang ginawang masama sa akin si Nikolai. Ayon nga lang ay sobra siyang possessive pagdating sa akin at ayaw niya akong lalayo sa lugar namin. Hindi pa niya nakuha ang pagkababae ko dahil kahit nagtatabi kami sa iisang kama ay ayoko talagang may mangyari sa amin. Ayon pala ay dahil hindi ko naman siya totoong asawa at nagsinungaling siya sa akin." malungkot kong ani at napayuko nalang.

Nang muli kong tinignan si Kyrie ay nakikita ko ang awa sa mga mata niya.

"He deserve to be imprisoned. It's good na kilala ni Governor Dean Sandoval si Ahmed kaya nalaman rin nila kung saan ka tinatago ni Nikolai. Bukod kasi sa akin ay naging malapit na ring kaibigan ni Ahmed si Dean Sandoval. He knows you dahil kalat na kalat na dito sa Maynila na nawawala ka." sabi niya.

"Nanghihinayang rin ako sa tatlong taon na nawalay ako sa pamilya ko, Kyrie. Nagkaroon pa ako ng amnesia kaya ngayon ay hindi pa kita maalala. Pasensya ka na kung hindi kita nakilala kaagad." paghingi ko ng paumanhin kay Kyrie.

Ngumiti naman siya sa akin at inakbayan ako. Wala naman sigurong malisya itong pag-akbay niya dahil ang sabi nga niya ay best friend naman niya si Ahmed at pinagkakatiwalaan siya nito.

"It's okay, Adi. I understand your situation. Hindi mo naman kailangang piliting maalala ako. You'll recognized me soon. As of now ay magfocus ka muna bilang ina at kasintahan ng triplets dahil tatlong taon mo rin silang hindi nakasama." nakangiti niyang sabi.

Ang bait naman pala nitong si Kyrie. Kaya siguro naging best friend siya ni Ahmed ay dahil nagkakaintindihan at nagkakaunawaan sila sa lahat ng bagay.

"Maraming salamat talaga, Kyrie." pasasalamat ko.

"You're always welcome. Malapit lang pala ang bahay namin dito sa bahay niyo. If you want ay pwede kang bumisita sa bahay namin. My Mom and grandparents are out of country kaya ako lang ang mag-isa sa bahay." sabi ni Kyrie.

"Sige, susubukan kong bumisita sa inyo. Magpapaalam muna ako kila Ah-"

"You don't need, too. Ako nalang ang magsasabi sa triplets kung gusto mong pumunta sa bahay. Papayag naman sila kung ako ang magsasabi kaya hindi mo na kailangang magpaalam pa sa kanila." pagputol niya sa sasabihin ko.

Tumango nalang ako sa sinabi ni Kyrie at ngumiti sa kanya na ginantihan rin ako ng ngiti.

"Nasa San Mariano pa sina Ahmed at Ahnwar, right? So, kayo lang ni Ahzik ang nandito. He missed you so much kaya bumawi ka dapat sa kanya." aniya.

"Ayon ang isa sa mga gagawin ko habang nagpapatulong ako kay Doctor Salcedo sa therapy na gagawin niya sa akin para manumbalik ang ala-ala ko. Pati na rin kay Blair ay babawi ako." sabi ko.

Hinagod ni Kyrie ang kanyang buhok at nagpahalumbaba ito habang nakatingin sa akin.

Nakikita ko ngayon kung gaano siya kagwapo at ka-attractive. Pwede na siyang pumasang model dahil sa tikas ng itsura at tindig niya. Kahit sinong babae ay mahuhumaling sa kanya.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now