Chapter 30

20.4K 702 286
                                    

Dedicated to @Cathybitchy for winning 4th place in Ajai_Kim Readers group activities.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Gelyn dahil birthday celebration ng kapatid niyang kambal na sina Edmond at Emir. Hindi naman mawawala sa tabi ko si Francis na kung todo naman ang pagbabakod sa akin dahil may iilang mga kaklase at kaibigang lalake ang kambal na birthday celebrant na inimbita rito.

Napapalingon lang ang mga kaibigan ng kambal sa akin ay kaagad na itong sinasamaan ng tingin ni Francis. Dahil ayoko nang magtalo pa kami ay hindi ko na siya pinupuna sa ginagawa niya. Gusto kong maging payapa lang ang gabi naming ito na walang away o pagtatalo na mangyayari sa amin.

"Kain lang kayo. Maraming pang handa sa loob ng kusina. Kung gusto niyo ay mag-uwi kayo mamaya." nakangiting sabi ni Gelyn habang inilalatag niya sa lamesa namin ang isang bilao ng pancit bihon at biko. Naglapag rin ito ng buko juice na nakalagay sa isang pitsel.

"Salamat, Gel! Ngayon ay makakakain na rin kami ng disenteng pagkain hindi iyong puro de lata at noodles na lang sa kampo namin sa Maynila ang kinakain namin." nakangising sabi naman ni Joven na isa sa mga kaibigan nila Francis at Kuya Jeddaih.

"Ngayon lang 'to dahil birthday nina Edmond at Emir kaya sulitin niyo na." sabi ni Gelyn at tumalikod na ito sa amin para magpunta sa kusina nila.

Kasama ko ngayon sa iisang table sila Francis, Kuya Jeddaih, Goyong, Cesar, at Joven habang nasa kabilang table naman ang iilang mga kaibigan nila.

Nag-iinuman kami ngayon sa labas ng bahay nila Gelyn at ang kambal niyang kapatid ay kasama ang mga kaibigan nila. Kaunti lang rin ang iniinom ko dahil si Francis na ang umiinom ng ibang tagay ko. Ayaw niya kasi akong tuluyang malasing.

Nasa ibang table naman sina Edmond at Emir na kasama ang mga kaibigan nilang inimbita nila.

"Francis, natural lang naman sa mag-asawa ang may hindi pagkakaunawaan nang dahil sa selos pero dapat ay pagkatiwalaan mo rin si Aliyah. Hindi naman 'yan mangangaliwa sa'yo dahil ikaw ang mahal nyan." sabi ni Kuya Jeddaih habang binibigyan nito ng tagay si Cesar na sandaling sumulyap sa akin.

Noong ipinasyal ako ni Cesar sa bayan ng San Mariano ay hindi naman iyon nalaman pa ni Francis dahil mga alas nuebe ng gabi na rin ito nakauwi sa bahay namin at wala namang itinanong sa akin. Nagpatuloy lang ang araw namin at ngayon ay medyo maayos na rin kami ni Francis.

"Alam ko naman 'yon, Kuya Jed. Protective lang ako sa kapatid mo dahil sa aksidenteng nangyari sa amin noon." sagot naman ni Francis habang nakangiti at namumungay na rin ang mga mata niya tanda ng lasing na ito.

"Kung sa bagay," nagkibit-balikat si Kuya Jeddaih at nagpatuloy nalang ito sa pag-inom niya.

Nag-usap na sila ng ibang topic at dahil hindi ako makarelate doon ay nanahimik na lang ako sa tabi ni Francis na panaka-naka pang hinahalikan ang pisngi at noo ko habang nasa harapan namin si Cesar na sumusulyap sa amin habang kinakausap siya nina Kuya Jeddaih at Joven.

"Cesar, hindi mo man lang ba pagbibigyan si Ida sa date na hinihingi niya sa'yo? Matagal ka ng gusto nang kapatid ko kaya pagbigyan mo naman, oh?" sabi ni Joven kay Cesar na natuon na ang atensyon sa kanya.

May gusto ang kapatid ni Joven kay Cesar? Sa bagay ay talaga namang gwapo at matipuno si Cesar. Kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya dahil mabait at gentleman pa siya.

"Joven, hindi ko gusto si Ida at kung i-dedate ko siya ay paaasahin ko lang siya sa wala." sagot naman ni Cesar.

"Huwag mong sabihing hindi ka pa rin nakaka move-on kay Aliyah? Asawa na 'yan ni Francis kaya-" eksahero pang sabi ni Joven na kaagad pinutol ni Cesar.

The Triplets AddictionWhere stories live. Discover now